Friday , November 15 2024

“Ratio Decidendi”natatrapik sa SC  

00 Kalampag percySINO nga ba ang mag-aakala na hindi lang pala mga sasakyan o behikulo ang problemado sa mabigat na usad ng trapiko sa Metro Manila, kung ‘di pati ang pagla-labas sa kopya ng mga nadesisyonang kaso ng Korte Suprema ay apek-tado na rin.

Hanggang ngayon ay dinodoktor, este, hindi pa raw naglalabas ang Supreme Court ng kop-ya ng kanilang desisyon sa pagkakabasura ng disqualification case laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada.

Marami na ang nag-aabang na mabasa ang basehan, prinsipyo at makatuwirang paliwanag na pinagbasehan ng desisyon, na kung tawagin nila sa legal profession ay “ratio decidendi.”   

Hindi rin makapaghahain ng motion for reconsideration ang nagbabalak na umapela kung wala silang kopya ng desisyon na pagbabata-yan mula sa Supreme Court.

Kabilang na marahil ang dekanong si Atty. Mel Sta. Maria ng Far Eastern University (FEU) sa mga interesadong malaman ang ratio decidendi sa pagkakabasura ng Supreme Court sa disqualification case laban kay Erap.

Kamakailan ay mahahalagang punto kaugnay sa kaso ang inihayag ni Sta. Maria, resident legal analyst of TV5,  sa kanyang column sa www.interaksyon.com na may titulong “SC Estrada ruling on absolute pardon exponentially raises impunity.”

Sabi ni Sta. Maria, kung hindi itutuwid ng Korte Suprema ang kanilang desisyon sa isang pinal na desisyon, ang pasyang nagbasura sa disqualification case laban kay Erap ay magiging habambuhay na mantsa sa reputasyon ng Kataas-taasang Hukuman.

Sukdulan aniya na itinaas ng SC ang antas ng kawalan nang pananagutan sa mga krimen na ginawa ng mga opisyal ng pamahalaan.

Giit ni Sta. Maria, ang pardon ay ibinigay ni GMA ay bunsod ng pangako ni Erap na hindi na siya muling kakandidato sa anomang puwesto sa gobyerno, at nilabag ito ni Erap mula pa nang tumakbo sa 2010 presidential polls.

Inulit niya ang pagsuway sa pardon nang su-mabak at manalo sa eleksyon sa Maynila noong 2013 kaya wala ng bisa ito, sabi pa ni Sta. Ma-ria.

Dapat na ibalik ang parusa na ipinataw ng Sandiganbayan nang sentensiyahan sa kasong pandarambong si Erap, kasama na ang habambuhay na pagkabilanggo at pagsasauli sa ninakaw niya sa kaban ng bayan, ani Sta. Maria.

Ang plunder o pandarambong ang pinakamataas  at  pinakamasang  krimen  ng isang opisyal ng pamahalaan, at kung mismong ang Presidente ng bansa ang gumawa nito, mas lalong dapat ipataw sa kanya ang pinakamabigat na parusa.

Hindi uubra na basta na lang magpapasya ang mga mahistrado na “tuloy ang ligaya” para sa isang sentensiyadong mandarambong.

Kung ibabasura muli ang motion for reconsideration na ihahain ng kampo ni Lim, batay sa teknikalidad na hindi na naisumite sa takdang panahon, alam na natin kung magkano, este, bakit natatrapik ang paglabas ng kopya ng de-sisyon.

Ideyang “All-Out War” mas bagay sa Maynila

SAGAD sa pagyayabang si Erap na kung hindi siya napatalsik sa Palasyo ng EDSA 2 noong 2001, sana’y napulbos na ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at hindi na napatay ang Fallen 44.

Hindi natin malaman kung natapakan ni Erap ang kanyang sentido-kumon kaya nadurog.

Alam ba n’ya na ang ipinagmamalaki niyang “all-out war’ sa MILF ang naging sanhi kaya lalong yumabong ang paglaban ng mga rebelde sa pamahalaan?

“The government has captured the hive but the angry bees have escaped and are regrouping to attack,” sabi ng isang rebelde matapos ilunsad ni Erap ang “giyera.”

Ayon nga kay dating Pres. Fidel Ramos, sinira ni Erap ang 27 taong pagsusumikap ng gobyerno na maghari ang kapayapaan sa Mindanao.

Giit naman ni Sen. Antonio Trillanes IV sa panayam sa kanya ng programang “Katapat” sa Radio DWBL (1242 Khz.) kamakalawa, nagtutulak ng digmaan ang mga taong walang kamag-anak na sundalong isasabak sa giyera.

Kung talagang makatotohanan, aniya, ang panukalang all-out war ni Erap kontra sa MILF, dapat ay pangunahan niya at palahukin ang sa-riling mga anak, apo at iba pang kadugo, para maranasan nila ang lupit ng digmaan at pait ng mawalan ng mahal sa buhay.

Kailan naman kaya planong ilunsad ni Erap sa Maynila ang “all-out-war” laban sa talamak na krimen, illegal drugs, illegal terminal, illegal vendors, illegal parking, etc.?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])  

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *