Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PTV4, nagpapalabas na rin ng Koreanovela

ni Pilar Mateo

020315 Here Comes Mr oh

HERE Comes Mr. Oh! Akalain mo nga ‘yun! Pati pala ang ating government network, na PTV4 eh, kasama na rin sa bandwagon ng mga nagpapalabas ng Koreanovela.

Kahit na noon pang Nobyembre ng nagdaang taon ito nagsimulang umere sa People’s Television Channel 4, hindi naman ito nagpahuli sa lakas at laki ng nakuhang viewership.

Kaya nga naisip ng Korean team sa pangunguna ni Mr. James Chan na ilunsad sa press ang Here Comes Mr. Oh na tinatampukan nina Lee Jang-woo, Oh Yeon-seo, Jin Tae-hyun, at Seo Hyun-jin.

Napapanood ito sa PTV4 mula Lunes hanggang Biyernes at 5:30 p.m. na may replay din ng Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m..

Ayon sa Chairman ng PKEI (PTV-Korean Entertainment Inc.) na si Joo Shik Min, alam ng nasabing mga Korean stars na ipinalalabas sa bansa ang kanilang soap. At may fan base na rin sila sa bansa.

Kaya naman may plano ang grupo nila na dalhin ang kanilang Korean stars to do projects with Pinoy actors dito and vice-versa.

Tatagal pa si Mr. Oh hanggang sa Hunyo ng taong ito pero nakahanda na ang susunod na soap, ang The Legendary Doctor tungkol sa old time physician ng Korea na may kakaibang galing sa panggagamot.

Nakatikim ng teaser ni Mr. Oh ang na-impress na press. At ‘di maitago ang mga tawanan sa mga eksena ng apat na bida.

Another welcome treat for Koreanovela suckers!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …