Personal na isinusulong ng “Bagito” lead star na si Nash Aguas ang kahalagahan ng tamang paggabay sa mga kapwa niya kabataan at umaasa siya na sa pamamagitan ng online forum nila na “Bagito Hangout” ay makatutulong ang kanilang programa sa mga batang manonood. “Para sa mga kabataang gaya ko na mas madalas nakatutok sa Internet at social media, malaking bagay na may “Bagito Hangout” na puwedeng lapitan at hingan ng payo. Dahil sa panahon namin ngayon marami nang tukso at masasamang impluwensiya na posibleng ikasira ng aming buhay,” pahayag ni Nash kaugnay ng online forum na bukas din para sa mga magulang na nag-aalala sa kapakanan ng kanilang mga anak.
Ang “Bagito Hangout” ay inilunsad na online forum ng ABS-CBN at Center for Family Ministries (CeFaM) bilang tugon sa mga manonood na nangangailangan ng gabay kaugnay ng iba’t ibang problema sa pamilya, paki-kipagkaibigan, at pag-ibig. Maaaring magpadala ng mga katanungan ang viewers sa mga counselor ng CeFaM sa http://bagito.abs-cbn.com/hangout tuwing Lunes hanggang Bi-yernes, mula 6:30PM-7:30PM.
Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na tagpo sa teleseryeng magmumulat sa isip at puso ng mga kabataan, “Bagito,” gabi-gabi, bago mag-”TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Bagito,” bisitahin ang official social networking sites ng Dreamscape sa Twitter.com/ DreamscapePH at Instagram.com/DreamscapePH.
Maaari na rin panoorin ang full episodes o past episodes ng “Bagito” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormas-yon.
ni Peter Ledesma