Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jomari Yllana, naglabas ng galit sa gobyerno!

110614 Jomari Yllana

00 Alam mo na NonieTILA bulkan na sumabog si Jomari Yllana sa naging post niya sa Facebook kamakailan. Tahimik na tao ang guwapong actor, kaya nagulat kami sa naging post niya ukol sa pagkasawi (na itinuturing ng marami bilang massacre) ng 44 na magigiting na kasapi ng SAF sa nangyaring enkuwentro sa Maguindanao kontra sa tropang MILF at BIFF.

Narito ang post ni Jomari sa Facebook na tinawag niyang ‘Pinakatangang presidente’ si Pnoy:

“Ang akala nila, parang vi-deo game lang… Nag-ensayo lang at pinasubukan… Sigurado ako, kahit dati na hindi ka corrupt… Pero, garantisado na ako na isa ka ngang tanga! Lahat ng nasa gabinete mo mandarambong…

“Sana, pagkatapos dumaan ng sasakyan ninyo sa daan na nagkukunwa-ring matuwid ay dumeretso na rin ito sa impyerno… Kasama ng mga dayuhang mapuputi na napakahusay magsinungaling… Napakahusay na mandurugas at napakahusay mag-angkin ng lupaing hindi kanila…

“Ikaw na!!! Ikaw na ang pinakatangang presidente sa kasaysayan ng Pilipinas!!!”

Mainit na isyu ito at marami ang bumatikos kay Pnoy at sinisi siya sa maling paghawak ng operasyon sa pagdakip sa terrorists na sina Zulkifli bin Hir at Abdulbasit Usman.

Naiintindihan naman natin kung lalong nagpuyos ang damdamin nang marami dahil imbes na sumalubong sa pagdating ng mga labi ng tinatawang ngayong Fallen 44 sa ginanap na honors ceremony sa Villamor Air Base, mas inuna pa ni Pnoy ang magpunta sa pagpapasinaya ng isang car plant sa Laguna.

May ilang mga bumatikos sa post na ito ni Jomari, pero sa aming palagay ay mas marami ang pumuri sa aktor sa ipinakita niyang tapang.

Kabilang kami sa humanga at sumasaludo kay Jomari.

Astig ka talaga Jom !!!

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …