Thursday , December 26 2024

Inter Faith-Multi Sector Summit ikinakasa versus illegal gambling


00 rex target logo

NAGKAPIT-BISIG para sa isang honest to goodness  all-out war laban sa iligal na sugal ang mga lider ng ,civic oriented groups, academe na kinabibilangan ng mga guro,mag-aaral  at mga magulang (PTA) ,NGOs at  mga lider ng urbar poor groups sa Tondo, Maynila kasabay ang itinakdang Inter Faith-Multi Sectoral summit  na pangungunahan ni Manila 1st district Congressman Benjamin ‘Atong’ Asilo.

Itinakda ito sa unang linggo ng Pebrero makaraan ang naka-schedule na  pagsusumite ni Asilo ng isang resolusyon sa Committee on Peace And Order sa Mababang Kapulungan Ng Kongreso para imbestigahan ang proliperasyon ng illegal gambling sa kanyang distrito at ibunyag ang kapabayaan ng  pulisya sa pagsugpo nito.

Layon ng mambabatas na wakasan ang nakasanayang pagsasabwatan ng mga illegal gambling operators at ng kapulisan at ang talamak na pagtanggap ng payola (grease money) hindi lamang ng mga miyembro ng PNP kundi ng iba pang opisyal ng pamahalaan kabilang na dito ang ilang corrupt and enterprising barangay chairmen ng Tondo.

Una nang ipinagbigay alam ng kongresista sa kaalaman ni DILG Secretary Mar Roxas ang pagdami ng iligal na sugal sa Tondo gaya ng sakla,tupada, video karera (VK),lotteng at bookies sa karera ng kabayo.

Agad namang  ipinag-utos ni Roxas sa pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pamumuno ni Director Carmelo Valmoria na maglunsad ng operasyon laban sa lahat ng uri ng iligal na sugal at magsagawa ng mga paghuli sa mga ito.

Nagpapasalamat naman si Cong. Asilo sa naging agarang pag-aksyon ni Director Valmoria sa inisyatibong pinangunahan ng mambabatas. Kinondena naman ng solon ang tila ningas-cogon na pag-aksyon ng liderato ni Colonel Rolando Nana ng Manila Police District (MPD) para tuluyang mapatigil ang illegal gambling operations sa lungsod.

Magpahanggang sa ngayon, tuloy pa rin ang operasyon ng sugal gaya ng tupada,bookies ng karera at VK. Kinondena rin ni Cong. Asilo ang ginawang pagpapapirmang  sa mga barangay chairmen ng Tondo na nagdedeklarang walang anomang klase ng iligal na sugal na nakakapangyari sa kani-kanilang mga barangay.

 Layon ng hakbang na ito na guluhin at lituhin ang mga awtoridad sa tunay na sitwasyon.

 ‘Paanong magkakaganoon kung may naitalang huli ang headquarter (MPD) salungat sa ulat ng mga presinto at ng mga barangay chairman? Makikitang may kutsabahan sa hanay ng kapulisan at mga chairman na dapat kasuhan ng kriminal at administratibo’, pagdidiin pa ni Asilo.

 Samantala, ibinulgar din na ilan sa mga umiikot at nagpapakilalang bagmen ni MPD Director,Colonel Nana ay  itong si  alyas ANTE CHING  na itinapon sa NPD  gamit ang mga pulis cum tong collectors na sina alyas Tata Obet, Tata Rocas, Tata Wong, Tata Neil, at ang pa-mosong si BONG IPAKO sa KRUS.

 Inaasahang ipapatawag sa pagdinig sa Kongreso ang ilang opisyal ng PNP at mga barangay chairman na napatunayang  may operasyon ng iligal na sugal sa kanilang nasasakupan.

 Layon naman ng inter faith summit na magsilbing watchdog ang mamamayan,institusyon ng simbahan at academe para sa check and balance sa performance ng mga halal na opisyal at ng mga kapulisan para sa tuluyangpagsugpong iligal na sugal.

 Desididong kasuhan ni Asilo ang sinomang mapapatunayang sangkot sa illegal gambling  lalo na yaong mga operators at protektor nito.

 Ilan sa mga gambling operators na iniulat na naglulungga sa maynila ay sina alyas Simbulan (Boy Abang), Joe Maranan, Gina at romy Guttierez, Jun pacia, ton – ton , Lorna, Anna  Jeff, Rosales, Jun Moriones, edna enteng, viceo, at fresnedi Paknoy. at ilang aktibong miyembro ng PNP na hindi pa tinukoy.

 ABANGAN!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *