Sunday , November 17 2024

‘Butaw’ ng illegal terminal at vendors para kay alias “ulo” ng QC City Hall

illegal terminalGrabe as in grabe na talaga ang problema sa trapiko lalo na kung ‘rush hour’ d’yan sa kanto ng Kalayaan St. at Elliptical Circle QC dahil naghambalang ang mga illegal terminal ng mga dyip at mga sidewalk vendor na parang kabuteng nakapulutong sa bangketa sa bahagi ng NHA.

Ayon sa ilang bulabog boys na nakausap ng mga vendor dito P70 kada araw ang tong na pilit na hinihingi sa kanila para makapagbenta ng mga kalakal nila sa bangketa.

Ang gusto pa nga raw ng mga bugok sa QC hall ay gawin P150.00 ito kada araw pero pumalag sila dahil masyado nang mabigat sa kanilang hanapbuhay.

Ang illegal terminal naman ng dyip na nasa harapan ng NHA ang isa sa mga problema ng traffic dito. Lalo na kung nagbalagbagan at kumukuha na ng mga pasahero ang mga dambuhalang bus papuntang Fairview.

QC Mayor Bistek, kitang-kita ang illegal terminal na nasa tapat ng NHA hanggang sa kanto ng Maharlika St., na biyaheng Tandang Sora, Fairview at paglampas naman ng Maharlika St., sa tapat  ng pader ng National Labor Commission ilang metro bago lumiko sa PHILCOA ay nakabalandra  naman ang mga biyaheng Jordan Plains etc.

Ang ipinagtataka ng mga motorista, sandamakmak naman ang mga tauhan ni retired general at hepe ng DPOS ELMO SANTIAGO pero DEDMA lang sila sa mga illegal terminal sa harap nila?! May diperensiya ba ang mata ng mga bata mo Ka Elmo!?

Bakit hindi nila ito alisin para luminis at hindi makaabala sa ibang sasakyang dumaraan dito?

Mayor Bistek, hindi mo rin ba nakikita na mismong tagiliran ng city hall sa Kalayaan Avenue ay tadtad na rin ng mga vendor!?

Alamin mo na rin kung sino ba ‘yang alias ‘ULO’ diyan sa city hall na kumukubra ng mga tongpats mula sa illegal terminal at vendors! 

Imbestigasyon sa Fallen 44 huwag sana maging chopsuey

HALATA naman na trying very hard itong administrasyon ni Pres. Benigno Aquino III na magpabango sa sambayanan pagkatapos ng nakadedesmaya at nakagagalit na insidente ng Fallen 44.

Aba ‘e, sinabi na nilang binubuo na ang Board of Inquiry na mag-iimbestiga sa ‘Operation Wolverine’ na ang naging ending ay masaker sa 44 kasapi Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF), pero heto, humihirit naman ng TRUTH COMMISSION ang Senado at pagkatapos ng halos isang linggong pananahimik ay nagsalita na rin si Human Rights Commissioner Etsas ‘este Etta Rosales, mag-iimbestiga na rin daw sila.

Tsk tsk tsk…

Baka naman sa dami ng mag-iimbestiga na ‘yan ‘e magmukha namang CHOP SUEY ‘yan?!

Halo-halo na at iba-iba pa ang lumabas na bersiyon. 

‘E bakit hindi na lang sa National Bureau of Investigation (NBI) paimbestigahan ‘yan?! Credible na reliable pa.

Ano sa palagay ninyo, Sec. Sonny Colokoy ‘este Coloma?!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *