ni EDDIE LITTLEFIELD
“May chemistry ang tandem nina JM at Angelica, parehong magaling sa comedy. May timing ang kanilang pagpapatawa, hindi sila nagpapatawa, nakakatawa sila.”
Noong first week of shooting nina Direk Antoinette, Angelica, at JM, medyo nagkakahiyaan pa raw ang dalawa. Si Angel ang gumawa ng first move para ma-relax ang binata sa mga eksena nilang kukunan. Naging madali para sa actor ibigay ang best niya nang mag-bonding na silang tatlo. Sobrang nag-enjoy si JM habang ginagawa nila ang TTCT. Para mga raw silang magbabarkada habang nagsu-shooting lalo na sa Europe. Wala nga raw kaarte-arte si Angel, go lang ito ng go, ayon sa actor/singer.
Parehong broken heart ang ginagampanan nina JM (Anthony) at Angelica (Mace) na magkikita sa airport sa Europe. Magiging magkaibigan at magkasamang maglalakbay sa Maynila at Baguio. Unti-unti nilang mararamdamang nagkakaroon na sila ng feeling sa isa’t isa. Sa kaso ni JM, naka-move-on na siya noong maghiwalay sila ng ex-girlfriend niyang si Jessy Mendiola. Tapos na raw ang chapter na ‘yun huwag na raw natin balikan. May kanya-kanya na silang buhay na tinatahak. Kahit walang closure ang paghihiwalay nina JM at Jessy, wala siyang regrets na naging bahagi ng buhay niya ang actress na minsan niyang minahal.
Samantala, sinabi pa ni Direk Antoinette, may tamang timpla ng romansa at komedi ang That Thing Called Tadhana na makare-relate ang mga manonood na na-inlove at nasawi sa pag-ibig. Lahat naman tayo dumaan sa ganitong sitwasyon lalo na kung love ang pag-uusapan. Lahat tayo nagmahal, nasawi, at muling umibig. Kung minsan nga hindi natin alam kung tama ba ‘yung taong bibigyan natin ng tunay na pagmamahal. Mag-iisip ka, tatanungin mo ang saril kung tadhana nga ba ang nagtakda para siya mahalin?
As an actress, kailan lang ginawaran si Angelica ng Best Actress award ng Gawad Tanglaw. Iniuwi rin niya ang tropeo bilang Best Actress sa 2014 Cinema One Originals Film Festival. Hindi na matatawaran ang galing ng dalaga sa aktingan, mapa-drama o komedi. ..