Thursday , December 26 2024

Pambu-bully ng Senado

00 firing line robert roquePANGIT sa paningin ng maraming nagmamasid sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon sub-committee ang ginawa kay Makati Mayor Junjun Binay noong Huwebes.

Inaresto si Binay dahil sa patuloy niyang pagtanggi na dumalo sa dalawang pagdinig ng subcommittee noong Oktubre. Pero masisisi ba nila ang alkalde kung siya ay madala?

Noong Agosto ay dumalo si Binay sa pagdinig pero marami ang nadesmaya dahil nagmukhang binabastos siya ng mga senador sa mga tanong na kanilang ibinato. May mga nakapuna na hindi pa man nahahatulan at nasa proseso pa lang ng imbestigasyon ay parang guilty na ang trato sa kanya.

Ilang ulit hiniling ng kampo ni Binay na bigyan sila ng kopya ng mga katanungan bago siya muling dumalo pero binalewala rin ito ng mga senador.

Noong Huwebes ay kusang sumama ang alkalde nang arestuhin at dalhin sa Senado pero puwersahan pa rin siyang pinadalo sa isinasagawang pagdinig kaugnay ng mga iregularidad na naganap umano sa Makati. Nagkasugat pa si Binay sa braso nang kaladkarin papuntang session hall.

May mga nag-boo, nagsigawan at nag-iyakan sa mga tagasuporta ng alkalde nang makitang ginagamitan ito ng puwersa habang ipinapasok sa loob ng session hall.

Kahit hindi imbitado ay dumalo ang mga beteranong mambabatas at abogado na sina Joker Arroyo at Rene Saguisag, na kapwa kaalyado ng ama ng alkalde na si Vice President Jejomar Binay panahon pa ng martial law.

Ayon kay Arroyo ay nangangamba raw sila na nalalabag ang Konstitusyon at karapatang pantao sa ginagawa ng mga senador. Nakapagkomento naman si Saguisag na parang umiiral na naman ang batas militar sa Senado.

Ang dalawa, na magiging bahagi ng legal team ng batang Binay, ay tinawag ang pagdinig na “inquiry in aid of persecution and election.”

Hindi ito nakapagtataka dahil marami ang nakapuna na totoo ang sinasabi ng kampo ng mga Binay, na ang hangarin ng mga pagdinig ay wasakin ang pagkatao ni Vice President Jejomar Binay at ng kanyang pamilya, upang masira rin ang tsansa niyang tumakbo para pangulo sa 2016.

Sinasamantala rin ng mga senador ang pagkakataon sa paghahanap ng mga ebidensya na magdidiin sa mga Binay, upang sila ang magpapogi sa mata ng taumbayan para sa nalalapit na halalan.

Pero walang dapat ikahiya ang batang Binay. Kung mayroon mang dapat mag-alala, ito ay walang iba kung hindi ang mga senador dahil nakita ng publiko ang kagaspangan ng kanilang pag-uugali sa pag-usig sa pamilya Binay.

Dahil wala silang napigang kasagutan mula sa alkalde kahit na puwersahan itong pinaharap ay pinalaya rin nila si Binay. Ang naganap ay pagpapakita lang ba ng puwersa na puwedeng gamitin ng subcommittee sa oras na kanilang gustuhin, at sa kahit sino na kanilang naisin?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *