Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga nanambang kay Cristina, pinakakasuhan na ng attempted murder

 

ni Alex Brosas

120214 Cristina Decena

MASAYANG-MASAYA ang businesswoman na si Cristina Decena nang lumabas ang resolution para kasuhan ng attempted murder ang ilang tao na nagtangka sa kanyang buhay more than a year ago.

Natanggap ni Cristina ang resolution noong Wednesday ng hapon.

“Dasal lang ako ng dasal for more than one year. Ni hindi ako nag-follow up, basta dasal lang ako ng dasal. Iyak ako ng iyak kasi mayroon palang hustisya,” chika sa amin ni Cristina over the phone.

Sa nakita naming resolution ay pinagpipiyansa ang lahat ng kasama sa attempted murder ng P120,000 para sa pansamantala nilang paglaya.

Tuwang-tuwa si Cristina kay Quezon City Prosecutor Donald Lee dahil sa pagiging fair nito.

“Hindi lahat ng piskal ay nababayaran. Kumapit ako sa hustisya, sa merito ng kaso, ‘di ako naglakad. Mayroon pa ring chief prosecutor na huwaran at karespe-respeto,” sabi niya, referring to fiscal Lee.

Actually, lumaki ang gastos ni Cristina mula nang tambangan siya. Ngayon, hindi na siya nakakalakad ng walang bodyguard. Bullet proof na rin ang mga damit na isinusuot niya, talagang ibayong ingat ang kanyang ginagawa dahil sa pananambang sa kanya.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …