Thursday , December 26 2024

Fallen 44 SAF ipinanghihingi ng abuloy ni Pnoy at ng DSWD?

00 Bulabugin jerry yap jsyWALA pa bang balak magtago sa ilalim ng palda ni Department of Social Work and Development (DSWD) Secretary Donkey ‘este Dinky Soliman si Pangulong Benigno Aquino III?!

Supposedly, isa sa mga trabaho ng pamahalaan sa pangunguna ni PNoy at Secretary Donkey, este mali na naman, Dinky, ay itaas ang kamalayan ng mga kababayan na indigent o ‘yung walang ibang maasahan sa panahon ng kagipitan kundi ang kanilang sarili kasi nga walang ibang kaanak kung mayroon man ay gaya rin nila ang kalagayan.

Mula sa kaisipang palaasa at palahingi ng tulong (na nakikita nating normal sa mga kababayan nating matagal na pinagkaitan ng oportunidad kaya walang masulingan kundi umasa sa kapwa) tungkulin ng DSWD na tulungang iangat ang kaisipan ng mga kababayan natin na nasa ganitong saray upang maging self-reliant.

Ibig sabihin, huwag ibaon ni PNoy at Secretary Dinky sa kaisipan na mahilig ‘sumandal’ o agad umasa sa iba kahit hindi pa nasusubukan ang kanyang sariling resources — iyan po ang esensiya ng social work and development. Huwag silang panatalihin sa abang kalagayan kundi tulu-ngan silang iangat ang kanilang sarili.

Kaya naman nagulat tayo nang mabasa natin sa mga pahayagan at mapanood sa TV na ‘PASIMUNO’ pa ang Pangulo at inatasan ang DSWD para ipangilak ng abuloy ang “Fallen 44.”

SONABAGAN!

Bakit ipangingilak ng abuloy? Dumukot kayo sa mga bulsa ninyo at iyon ang ipagkaloob ninyo sa pamilyang naulila ng mga ‘bayaning’ yan!

At ang unang dapat magbigay, ‘yung ‘UTAK’ ng operation na ‘yan!

Tinawag na bayani ng Pangulo pero kailangan pang ipangilak ng pondo para mabigyan ng marangal na libing at mabigyan umano ang naulilang pamilya.

Sabi pa ni PNoy, “I know that this grief may be accompanied by worries about your future, especially if your loved ones who sacrificed their lives were also your breadwinners. I gua-rantee: The state will give the maximum assistance it can, within the limits of the laws and rules.”

Pero may kasunod ‘yan: “On this occasion, I also take the opportunity to appeal to the public: If possible let us extend our utmost support to the bereaved, and maximize the help we can give to the families of those who fell, in recognition of the valor of these heroes who gave their lives for the realization of the peace we have long desired.”

Ang mga donasyon umano ay maaaring ipa-dala sa  Land Bank of the Philippines (LBP) Account Name: DSWD- Armed Conflict Mamasapano, Maguindanao

LBP Current Account Number (CA) No. 3122-1026-28.

Ganyan po kagaling ang Malakanyang at ang DSWD sa paghingi ng abuloy.

What the fact talaga!

Hindi pa nga ninyo naia-account nang wasto ‘yung mga abuloy para sa mga biktima ng bag-yong Senyang, Pablo, Yolanda at Glenda…heto na naman bagong pamamalimos na naman kayo?!

Utang na loob!

SILG Mar Roxas at PNP OIC Gen. Leonardo Espina ginawang flower vase

UNTI-UNTI nang lumilinaw ang tawas…

Sa tandem na NOYNOY at PURING, ginawa nilang kamote sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas at  PNP-OIC Gen. Leonardo Espina sa ginawa nilang pagsalakay at tangkang pagdakip umano sa Malaysian bomb maker na sina Marwan at Usman.

Ang resulta: Fallen 44 sa hanay ng PNP SAF.

Kung naging successful ang operation hindi sila kasama sa kredito, pero ngayon bulilyaso sila ang namomroblema at binabatikos.

Sabi nga, hindi na maibabalik ang buhay kahit ano pang paninisi pero ang sigurado dapat matuto ang buong bansa sa karanasang ito.

Pero dapat na mayroong managot, lalo na’t lumilinaw na may kinalaman ang gobyernong Kano sa usaping ito.

Kay SILG Mar Roxas, kung talagang buo ang loob niyang maging Pangulo ng bansa, ARAL ito na hindi niya dapat malimutan.

Mas mahirap matsubibo, kung siya na ang Pa-ngulo ng bansa.   

Panawagan kay Mayor Edwin ‘Political Dynasty’ Olivarez

SIR JERRY, pakikalampag nga si Mayor Olivarez! Natapos na ho ‘yun ginagawang footbridge sa Multinational Village Sucat pero ‘yun kalsada naman ay sira-sira! Tutal mahilig naman cya sa tapal-tapal na aspalto e pakipanawagan na tapalan naman ng aspalto ang kalsadang ‘yan! +639054655 – – – –

Paki-aksiyonan Kernel Rolando Nana

ISANG magandang araw po ka Jerry isa po akng residente ng brgy 385 zone 39 na matatagpuan sa gilid ng ilog likod ng T.I.P. Meron po ritong isang nagngangalang Cris na akala mo ay cya ang may ari ng looban dahil tuwing may session cla ay ipa-padlock nila ang gate d2 palabas ng P. Casal St. Armado po cla ng matataas na kalibre ng baril sa tuwing ginagawa nila ito. Parang hndi pinakikialaman ng chairman d2. Pano n lng kung magkaroon ng hndi inaasahan? Hndi kami mabilis na makakalabas. Madalas po nila itong ginagawa Ka Jerry sana po ay maaksyonan ng agaran. Pakitago n lng po ang number ko. Salamat po. +63925518 – – – –

Pinahirapan o inatake sa puso

SIR Jerry, isang 59 anyos Armando Ramos na nakadeteni sa presinto tres ang inatake daw sa puso pero ang findings ng homicide investigator ay may mga pasa at lapnos sa katawan ang matanda. Mabgyan pa kaya ng hustisya ‘yan? +639152942 – – – –

Reklamo laban sa Robert Gerado Builder (Attn: DOLE-NCR)

GOOD day po sir, pakibulabog nga po ang amo namin saksakan ng suwapang sa umento ng sahod. Bukod sa walang SSS e hndi pa mabgyan ng tamang sagutin sa hospital ang mga kasamahan naming naddsgrasya sa trabaho. May nabalian ng leeg, may nabubulag pero walang 2long na natatangap. Robert Gerado Builder ang pangalan ng kumpanya namin. Thanks po. Dnt pblish my #. +63928816 – – – –

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *