Nkktakot ang dream ko pk interpret lng pls.nmtay dw yng kpatid kung bbe n mas bta s akin.grbi dw tlga ang hnagpis ko.ang prblma pa nailibing n bgo ko nlman at hnd ko dw tlga mtanggap ask ko bkt d nila sinabi.sagot nila kya dw hnd nila sinabi kc ayaw nila n mkdagdag p s mga alalahanin ko inilihm nlng nila ang pangyyri.maistro omowi dw ako s prbnsya pro wla n ang kpatid ko nkta ko ang anak nya.at nlman ko na sa cmplng pangyyri lng sya nmatay..at parang tnggap n ng pamilya nya ang mga pangyyri s buhay nila.ako lng yng parang hnd.mits (09217220036)
To Mits,
Kapag nakakita ng patay o yumao na sa iyong panaginip, maaaring ito ay isang uri ng babala na ikaw ay nai-impluwensiyahan ng mga negatibong tao at ikaw ay nakikisalamuha sa mga taong hindi karapat-dapat. Ito ay maaaring magdulot sa iyo ng material loss. Ang ganitong uri ng panaginip ay maaari rin namang isang paraan upang maresolba ang iyong damdamin sa mga pumanaw na. Kung ang nakita sa iyong bungang-tulog ay matagal nang pumanaw, maaaring may koneksiyon sa haharaping sitwasyon ang namayapang napanaginipan mo. Sa kabilang banda, maaari rin naman na ito ay nagkataon lamang, bunsod ng pagti-trigger ng mga bagay na naging sanhi para managinip ng ganyan. Posible rin naman na nami-miss mo na ang kamag-anak mong namatay na at ang panaginip mo ay isang paraan at outlet na rin para mas matanggap mo ang kanilang pagkawala.
Ang paghihinagpi o pag-iyak naman ay maaaring nagsasaad ng pag-release ng negative emotions na may kaugnayan sa sitwasyong ikaw ay gising. Ang luha ay nagpapakita ng compassion, emotional healing at spiritual cleansing. Alternatively, ito rin ay maaaring nagsasaad ng sakit at kabiguan. Ang iyong panaginip ay isang paraan upang manumbalik ang ilang emotional balance at isang paraan na rin upang ligtas na mailabas ang iyong takot at kabiguan. Sa ating pang-araw-araw na buhay, may mga pagkakataong hindi natin napapansin, itinatanggi, o kinukuyom natin ang ating mga damdamin. Pero kapag tayo ay nasa kalagayang tulog, ang ating defense mechanisms ay hindi na nagbabantay kaya nagkakaroon ng pagkakataon na mai-release ang ganitong mga emosyon.
Señor H.