Friday , November 22 2024

Kanya-kanyang ‘alibi’ sa PNP!

CRIME BUSTER LOGOANG pahayag ng officer-in-charge ng Philippine National Police na si deputy director general Leonardo Espina nang sumabog ang balitang marami sa mga tauhan ng elite PNP-Special Action Force ang namatay sa Mamasapano, Maguindanao attacked ay wala raw alam ang national headquarters ng PNP sa isinagawang police operations sa nasabing lugar.

Naku po! Ganun general?

Sa mga hindi nakaaalam, ang pamunuan ng PNP ay binubuo ng Command Group (CG). Ito ay binubuo ng chief of the Philippine National Police; deputy chief for administration; deputy chief for operations at chief directorate staff na ang ranggo ng mga namumuno ay 4 up to 3 stars-PNP general.

Kabilang sa command group ang OIC ng PNP na si Espina na may ranggong 3-stars PNP general.

Ang National (HQ) Directorate o ang hepe ng directorial for operations (DO), ang pinakamataas na official ng PNP ay si General Marquez na graduate ng Philippine Military Academy (PMA Class 1982) na may ranggong 2-star PNP general.

Sa isinagawang police operations ng PNP-SAF sa Mamasapano sa Maguindanao noong Enero 25, 2015, imposibleng hindi composite team na binubuo ng iba’t ibang operating units ng gobyerno. Lahat ng police operations ng PNP sa buong bansa ay dumaraan sa directorate for operations ng PNP.

Kung may subject ng warrant of arrest ang law enforcement ng bansang Pilipinas lalo na sa isang suspected international bomb expert o terrorist, hindi nawawala sa composite team ang National Operating Support Unit (NOSU) ng PNP. Ang NOSU ay binubuo ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG); PNP-SAF at PNP-Highway Patrol Group.

Sa ganyang sitwasyon na ang subject ng warrant of arrest ay dayuhan at wanted ng international law enforcers agencies, normal na ang higher command ng PNP-CIDG ang server ng WA.

Naku po!!! Si general Marquez at CIDG director general Benjamin Magalong ay Mistah at kapwa graduate ng PMA Class ‘82.

Tulad ni PNP-NCRPO regional director general Carmelo Valmoria, ang sinibak na commanding officer ng elite PNP-SAF na si general Napenas ay nasa hanay rin ng PMA Class 1982 o mistah-mistah sa academy sa Fort del Pilar sa Baguio City.

Kaawa-awa naman si Heneral Espina. Wala siyang kaalam-alam na may niluluto pala sa national headquarters ng PNP sa Camp Crame.

Kung hindi nabigo at nagtagumpay ang Mamasapano, Maguindanao police operations, malamang ang pet ni Paquito na si general Marquez ang uupong PNP chief ng pambansang pulisya. Iyan ay kung may katotohanan ang balitang si Marquez ang type ng palasyo ng Malacañang upang maging successor ng suspended na si general Allan Purisima at ang malapit nang magretiro sa PNP na si Espina. Si Gen. Valmoria ay soon to retired sa PNP sa July 2015.

Anyway, ngayon pa lamang ay kitang-kita na kung bakit at kung papaano napaslang nang walang kalaban-laban ang mga tauhan at opisyales ng PNP-SAF na na-trapped sa isang envelop na oversize ang dami ng mga kalaban na MILF.

Munti gov’t gets serious in info dissemination

THE City Government of Muntinlupa gets down to nitty-gritty of internal communication in the local government to further services and programs for Muntinlupeños.

Muntinlupa Public Information Office (PIO) head Tez Valencia-Navarro initiated to establish an information dissemination body and designated information officers in each departments for a fast-paced data gathering meeting the public’s need to know government programs.

Navarro said this shift to an improved communication will facilitate transparency and excellence in government transactions as the bar for broadcasting of administration service is raised.

45 Information Officers took oath last January 23, before Mayor Jaime “JRF” Fresnedi to formally live out their pledge in taking part of the speedy internal communication.

Fresnedi expressed high hopes for the officers to carry out their responsibilities in cooperating to this cause of upgraded public service.

“You have an important role to play in propagating our services and programs to make it effective. We all have a lot in our plates, but nothing is impossible with our sincere hearts to convene and serve the people.” The mayor explained.

The local government means business in addressing the needs of constituency, through communication, leaving a self-serving mindset and forwarding for a better government.

 Pahaging lang!!! Pa-1602 ni Kap. Tessie sa Talisay, Batangas

 KAYA raw malakas ang loob ni Kap. Tessie na maglagay ng peryahan na may halong sugalan sa bayan ng Talisay sa Batangas ay dahil naka-back-up daw sa nasabing 1602 operations si June na utol ng isang local government official. Teka, kaya kayang ipahuli ni Batangas PD, Sr/Supt. Jireh Fidel sa kanyang mga intelligence team ang pasugalan sa Talisay, Batangas. 

 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *