Friday , November 15 2024

EVM Self-Sustainable Resettlement Community serbisyong tunay ng Iglesia ni Cristo

00 Bulabugin jerry yap jsyUNANG-UNA gusto nating papurihan at pasalamatan ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa pakikituwang nila sa pamahalaan para sagipin at tulungang makabawi ang mga kababayan natin na sinalanta ng daluyong na Yolanda sa lalawigan ng Leyte noong Nobyembre 8, 2013.

Pagkatapos nang halos isang taon, naitayo ng INC ang isang self-sustainable community na kinabibilangan ng 500 kongkretong bahay na puwede nang okupahan, mayroong eco-farming site , isang garment factory, may fish-drying plant at mushroom facility na magbibigay ng trabaho sa mga residente.

Nitong Enero 23 (Biyernes), pinasinayaan na ang EVM Self-Sustainable Resettlement Community sa Sitio New Era, Barangay Langit, Alang-alang Leyte.

Kasabay ito ng ordinasyon ng 24 ministers sa isang special worship service na kinabibilangan ng isang South African, dalawang Japanese at isang German.

Hindi na tayo nagtataka na sa loob ng 100-taon existence ng INC ay nakapagpalawak na sila hindi lang sa bansa kundi maging sa iba pang bansa sa Asia, Africa at Europa dahil kitang-kita naman kung paano nila isinasabuhay ang turo ng kanilang Simbahan.

Isa na nga sa best example nito ang EVM Self-Sustainable Community.

Ayon kay INC Executive Minister Bro. Eduardo Manalo, ang proyektong ito, bagamat prayoridad ang kanilang mga miyembro, ay pakikituwang sa pambansang pamahalaan para tulungan ang ating mga kababayan na muling makabangon mula sa pananalanta ng bagyong Yolanda.

Hindi naman sa pagkokompara sa iba pang relihiyon o sekta o non-government organizations na nag-solicit pa para sa mga biktima ng Yolanda, pero gusto nating itanong, nasaan na ‘yung mga perang na-solicit ninyo!?

Unang-una nating nakita diyan na nakapagpatayo agad ng mga bahay ang Tzu Chi Foundation, Gawad Kalinga na ipinangalan kay Pope Francis ang kanilang proyekto at ang GMA 7.

Hindi pa natin nababalitaan ang Kapamilya network kung nakapagtayo na sila ng komunidad.

At ang Vatican mismo, bukod sa mapagpalang pagbabasbas ni Pope Francis, ano pa ang kongkretong tulong na pwedeng ibigay ng Vatican? Hindi ba mas maganda kung ‘yun pagdalaw ng Santo Papa sa Tacloban ay nag-pledge ang Vatican ng kahit 100 pabahay din, ‘di po ba?

‘Yung subi na donasyon sa pagdalaw ni Pope Francis ay ipagkaloob kaya sa mga biktima ng Yolanda?!

Sana naman. 

At sana pa rin, ‘yung iba pang organisasyon na nag-solicit sa ngalan ng mga sinalanta ng Yolanda ‘e ibigay n’yo na ‘yan sa mga dapat makinabang.

Huwag ninyong ibulsa nang matagal ‘yan.

Sa INC at kay Executive Minister Bro. Eduardo Manalo, pagpalain po kayo ng Dakilang Manlilikha sa inyong totoong paglilingkod sa inyong kasapian.

Sino ba ang dapat managot sa pagkamatay ng halos 50 miyembro ng PNP-SAF?

NANINIWALA tayo na dapat paghusayin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pag-iimbestiga sa huling insidente ng ‘masaker’ sa mga miyembro ng Special Action Force –  Philippine National Police (SAF-PNP) sa Mamapasano, Maguindanao.

Nagtungo ang mga miyembro ng SAF-PNP sa nasabing lugar para umano dakpin sina Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Kumander Basit Usman ng Jemaah Islamiyah terrorist group  na kapwa may patong na US$5 milyon sa gobyernong Amerikano.

Kung pagbabatayan ang mga retratong naglabasan sa social networking sites kung paano pinatay ang mga SAF-PNP members napakahirap maniwala na sila ay napatay sa labanan.

Ayon sa isang PNP senior official na ating nakahuntahan, kung totoong “official operations” ang sinadya ng SAF-PNP sa Mamapasano dapat umano na ito ay may ‘clearance’ mula sa Chief PNP o kaya ay mula sa Director for Operations ng PNP.

The next step, kung mayroon man silang clearance mula sa PNP chief, dapat silang makipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) lalo na’t hindi nila kabisado ang lugar.

Madaling araw (3:00 a.m.) nang pumasok ang SAF-PNP sa nasabing area na ‘teritoryo’ ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ang nasabing yunit ng SAF-PNP ay sinasabing elite force pero pinulbos lang ng MILF at BIFF!? Paanong nangyari ‘yun?

Ang mga napatay na miyembro ng SAF-PNP ay mistulang na-capture saka niratrat sa iisang lugar ba?

Pero ayon sa iba pang haka-haka, mukhang inipon sa iisang lugar ang mga bangkay at saka isa-isang hinubaran at ‘ninakawan’ ng mahahalagang bagay.

Mistulang ineskoba ang mga kagawad ng SAF-PNP na napatay na kinabibilangan ng lieutenant, captain, police major at isang colonel (superintendent).

Naganap ang insidente sa panahon na may nagaganap na peace agreement at negosasyon at binubuo ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na ipapalit sa organic act na lumikha sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Maraming dapat ipaliwanag at malinawan sa insidenteng ito na sa inisyal na pagtingin ay umiimbudo sa paghahangad na makuha ang US$5 milyong patong sa ulo ng dalawang JI at/o ideskaril ang pagsasabatas ng BBL?

Higit sa lahat, paano papanagutin nina SILG Mar Roxas at PNP OIC, Dir. Gen. Leonardo Espina ang  mga responsable sa nasabing insidente?!

Ang pagkakapaslang ba sa halos 50 miyembro ng SAF-PNP ay magwawakas sa kasabihang “charge to experience?”

I’ll keep my fingers crossed!                      

Mahina ang intel ni Mison vs Korean Syndicate

Kung mayroon man daw dapat pagtuunan ng pansin o imbestigahan si Immigration Commissioner FRED MISON (kaysa pag-isipan ang maarte at maluhong  Christmas presentation) ay kaso ng sinasabing miyembro ng Korean syndicate na si CHOUNG HUN JUNG o mas kilala sa pangalang PATRICK JUNG.

Si Choung Hun Jung o Patrick Jung ang sinasabing protector ng ilang Korean fugitives sa ating bansa.

Ang raket ni Jung ay magbigay ng proteksiyon sa mga Koreanong miyembro ng sindikato at ang iba naman ay may negosyong illegal na gaya ng online gaming at casino financing at money laundering sa Resorts World at Solaire Resort and Casino.

Wala umanong legal na negosyo sa Pilipinas at wala rin legal na visa si Patrick Jung. Ang isang talent pa nito ay dumikit sa ilang law enforcers gaya ng NBI, PNP at maging sa ilang tulisan sa Immigration kaya malaya siyang nakagagalaw nang walang alinlangan!

Madalas rin siyang nakikita at lumitaw na negosyador sa mga nahuhuling illegal na Koreano kaya masasabi nating bukod sa pagiging high risk, si Choung Hun Jung or Patrick Jung ay bad influence sa mga nasabing ahensiya ng gobyerno.

Mas mainam siguro kung pa-isyuhan agad ng Mission Order ni Mison ang nasabing Koreano at ipa-deport agad nang hindi na makapaminsala pa sa ating bansa!

Pero sino naman ang umuugong na partner in-crime nitong si Patrick Jung sa Bureau of Immigration? Balitang napakaraming transaksiyones ang pinagsamahan at na-materialize ng dalawang kamote?!

Comm. Mison, ngayon mo ipakita na may Intelligence ka, para alamin kung sino ang sinasabing kasabwat ni Patrick Jung sa ahensiyang iyong pinamumunuan!

Pagkatapos mong malaman kung sino ang sinasabing accomplice, isunod mo agad na ipa-lifestyle check ang mokong na ‘yan!

‘Yan ay kung may Intelligence ka talaga Sir!?

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *