Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Guy, sumikip ang dibdib kaya ‘di na-meet si Pope Francis

ni Roland Lerum

Pope

HANGGANG ngayon, hindi pa rin daw malilimutan ng mga celebrity na nagkaroon ng pagkakataon na makaharap si Pope Francis ang pambihirang karanasan na makausap o makaharap nang malapitan ang ikalawang tao na sunod kay Jesus Christ.

Si Kris Aquino ay nakipagkwentuhan pa kay Pope Francis nang ipagmalaki niya ang rosary na ibinigay nito kay Bimby nang magpunta sila sa Vatican noon.

Si Jamie Rivera naman ay panay pa rin ang hibik kapag naalala na pinuri raw ni Pope ang kanta niyang nilikha para rito, ang We are all God’s Children. Ewan kung sinabi niya kay Pope na siya ang “Inspirational Diva” na inamin niyang si Ron Romulo raw ang unang nagbinyag sa kanya!

Sina Jed Madela, Angeline Quinto, Erik Santos, at Darren Espanto ay mesmerized pa rin hanggang ngayon kay Pope na kinantahan nila. Feeling blessed silang lahat. Lalo na si Erik na binigyan pa ng rosary ni Pope. Araw-araw daw niya itong ginagamit sa pagdarasal.

Si Nora Aunor naman ay nanghihinayang na magkaroon ng audience with Pope dahil ng hapon na makakaugnayan sana niya ito sa UST Grandstand, doon naman siya nagkasakit. Sabi ng doctor, ipahinga na lang niya ang pagsisikip ng kanyang dibdib at hindi maayos na paghinga. Pero sabi ng mga kaalyado ni Ate Guy, mali raw ang naisulat na inisnab daw niya si Pope Francis! Excited nga siyang makaharap ito dahil isa siya sa anim na napili ng Philippine Conference in New Evangelization para makaharap ang Santo Papa sa UST.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …