Thursday , December 26 2024

Walang masama sa pagtulong sa palaboy pero…

00 aksyon almarPOPE Francis, pope for the poor. Ito ang naging bansag kay “Lolo Kiko”  na napatunayan naman ng milyong Pinoy.

Kakaiba nga naman si “Lolo Kiko” sa mga naging “ulo” ng Simbahang Katolika – ang katangiang ipinakita niya ay imahe ni Kristo.

Hindi lingid sa kaalaman ng PNoy government na makatao, makamasa si Lolo Kiko pero ano naman itong hakbanging ginawa ng gobyernong PNoy sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inilayo ng DSWD sa Papa ang mahihirap – ang mga pamilyang palaboy sa mga lasangang dinaanan ni Pope nang bumisita sa bansa nitong Enero 15 hanggang 19, 2015.

Inilayo at itinago ng DSWD ang mga palaboy sa isang mamahaling resort sa Batangas – ang Chateau Royale Resort sa Nasugbu. Wow, sarap buhay ng mga palaboy ha, buhay hari sa loob ng limang araw.

Walang masama sa ginawang pagtulong ng DSWD pero tama nga bang itago ang totoong retrato ng Maynila sa papa na sinasabing para sa mga mahirap? Uli, hindi lingid sa kaalaman ng PNoy government na mas gustong makasalamuha ng Papa ang mahihirap.

Sabi nga ng DSWD, hindi naman daw nila itinago ang mga palaboy kundi tinulungan lamang bilang bahagi ng kanilang programa. Iyon naman pala e. Kayo naman, parang pinagbakasyon lang ang mga palaboy sa resort ay tinitira na ninyo ang DSWD.

Pinagbakasyon lang naman sila ni DSWD Sec Dinky. Buti nga pinagbakasyon samantala ang PNP ay itinutumba o pinagbabakasyon nang habambuhay ang mga notorious na kriminal. Este mali naman, hindi naman nila itinutumba kundi napapatay ang mga kriminal dahil nanlalaban. Yes, nanlaban sila.

Ngunit, kung totoong hindi nagsisinungaling ang DSWD sa kanilang katuwiran, e bakit sa panahon ng pagbisita pa ng Pope ang ginawa ang pagpapabakasyon sa mga palaboy? Nagkataon nga lang ba? Marahil pero kung nagkataon, e ba’t wala nang sumunod na pinagbakasyon sa resort?

Naman, naman, Pangulong Noynoy, ano’ng klaseng pagturing mayroon ang administrasyon ninyo sa mahihirap? Oo nga’t tinulungan ninyo ang mahigit sa 500 palaboy pero ganoon na lamang ba iyon?

Matapos tulungan o pagbakasyunin ay pakakawalan na lamang uli sa lasangan? Hindi yata tama ang estilong ito ng DSWD. Hindi ba mas maganda sana kung binibigyan ninyo ng magandang buhay para sa kinabukasan  nila ang mga palaboy kaysa itago sila sa Papa este, kaysa pagbakasyunin gamit ang pera ng bayan?

Aba’y hindi biro ang ginastos sa engrandeng bakasyon na iyon. Pera ng bayan na ginamit sa walang kakuwentang-kuwentang programa ng DSWD. Hahayaan na lamang ba natin na ginamit nang ganoon lamang ng gobyernong PNoy ang pera ng bayan? Imbestigasyon ang dapat dito. Imbestigahan ang DSWD. Iyon ay kung mangyayari…katropa yata ng pangulo si Dinky. Kaya…asa pa kayo!

Pero ano pa man, tama ang suhestiyon o kahilingan ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus sa Commission on Audit (COA) na i-audit ang pondo ng Conditional Cash Transfer (CCT) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nangangamba si Rep. de Jesus na nagamit ang pondo ng CCT sa ginawang round-up ng DSWD sa mga bata at mga pamilya na palaboy sa Maynila na dinala sa resort. Iyan ang sinasabi ng nakararami.

Malaking palaisipan daw kasi kung saan kinuha ang pondo para madala sa resort ang mga dinampot na mahihirap na pamilya at batang palaboy at itinago upang hindi umano makita ni Lolo Kiko.

Paliwanag pa ng kongresista, una dapat magsagawa ng special audit ang COA sa CCT dahil marami siyang natatanggap na reklamo na mayroong anomalous practice dito dahil kung minsan ay apat na buwan umanong walang natatanggap ang mga benepisaryo ng nasabing programa at pangalawa ang Chateau Royale fiasco.

Uli Miss Dinky, walang masama sa pagtulong pero Madame naman… 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *