Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lea, kinuyog ng KathNiel fans dahil sa pagmamahadera

ni Alex Brosas

012715 kathniel lea salonga

KILALANG defenders ang KathNiel fans kapag ang feeling nila ay may umaagrabyado sa idol nilang sina Daniel Padilla or Kathryn Bernardo.

Nakatikim ng sample ng kamalditahan ng KathNiel fans si Lea Salonga nang sa tingin nila ay nagmahadera ito nang mag-comment siya ng ”parang proud ka yata” sa isang post ni Karla Estrada ng latest endorsement ng kanyang anak na si Daniel.

Naging maangahang ang dating ng one-liner na ‘yon ni Aling Lea kaya naman inulin siya ng batikos sa social media.

Nang ipagtanggol si Aling Lea ng isang fan, sinabi nitong, “Let them. Without knowing my intentions they couldn’t possibly know the spirit in which I wrote to @Estrada21Karla. Im teasing.”

Later, the singer posted, “To those who assumed ill intent at my reply to @Estrada21Karla’s IG post, you are making asses of yourselves. I was teasing her. Now stop.”

Pero hindi nagpaawat ang KathNiel fans.

“Hello this is the internet. Di ka pwede mag joke joke ng ganyan. Tapos pag ibabash ka dami mong kuda. Buti sana kung minsan ka lang ganyan e. E parang habit mo na magwala lagi sa social media… *facepalm*!!!” one fan said.

“Medyo may pagka sarcastic din kasi itong si Lea madalas. Yung nabasa ko kasi yung “parang proud ka ata” yung voice tone niya sa The Voice kapag nangaagaw ng contestant. Basta ewan. I’m KathNiel fan pero OA din yung iba kong kapwa fans,” sabi naman ng isa pang fan ni Daniel.

“Mudra lea, bakit ka pa kasi nag-comment? It’s like going to the slums dressed to the nines and expecting to come out safe. Wag nang puntahan ang jeje territories, they act like uncivilized cavemen and should stay segregated from the rest of the modern people! Ew,” sarcastic na comment naman ng isa pa.

Ito kasing si Lea ay masyadong mahadera. Siyempre, dapat isipin niya ang dating ng ipino-post niya. Ayan tuloy nalait siya. She had it coming!!!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …