PIO ng Caloocan City nanghihingi ng komisyon?!
hataw tabloid
January 14, 2015
Opinion
NITONG nakaraang anibersaryo ng HATAW naglabas ang ating pahayagan ng mga solicited advertisement sa iba’t ibang personahe, company, government agencies and local government units (LGUs).
Natuwa tayo dahil isa ang Caloocan City sa pamumuno ni Mayor Oscar Malapitan na sumuporta at nagbigay sa atin ng isang pahinang advertisement ukol sa kanyang mga accomplishment sa lungsod at mga bagong programa.
Ang materyales ay inihanda ng PIO (Public Information Officer) umano ng Caloocan City.
Sa madaling sabi, nakasingil na rin po kami sa Caloocan kaya nga po nagpapasalamat tayo kay Mayor Oca.
Heto ngayon, nakaraang Lunes nakatanggap kami ng tawag mula sa isang NOLAN SISON na nagpapakilalang public information officer (PIO) ng Caloocan City.
Namimilit na kumuha at naghahabol ng 15 porsiyentong KOMISYON doon sa ibinayad na sa amin ng Caloocan LGU. Wala raw kasing suweldo ang mga JO (job order) staff niya kaya kailangan nila ang nasabing komisyon.
Kung para po talaga sa mga nangangailangan hindi po tayo nagmamaramot, wala pong problema sa atin ‘yang komi-komisyon.
Pero iba ang dating ng tono at lakad ng nagpapakilalang NOLAN SISON.
Parang nagpupumilit?!
Napilitan tuloy tayong i-background check ‘yung Nolan Sison.
Ang Caloocan PIO ba na si Nolan Sison, ang Nolan Sison na nasangkot sa P1-M extortion sa Department of Transportation and Communication (DoTC) noong panahon ni Secretary Leandro Mendoza?!
What the fact!?
Naku naman, Mayor Oca Malapitan, ang dami namang magagaling na PR man d’yan, bakit ‘yan ang kinuha mong PIO?!
‘E mukhang ‘yan pa ang hihila sa iyo pababa!
Nakahihiya ang ginagawa n’yan sa iyong administrasyon! Ilan na kaya ang nabiktima n’yan!?
Paki-check mo nga rin Mayor Oca, kung saan tumatambay ‘yan at baka matunog na matunog na ang pangalan mo sa mga club at iba pang kailegalan sa CAMANAVA.
Paki-require mo na rin ang DRUG TEST, dahil marami na agad tayong naririnig na hindi maganda tungkol sa taong ‘yan.
Nakikisuyo lang po ako, Mayor Oca.
Sumadsad na naman si VP Jejomar Binay
PARANG batong inihulog sa gilid ng bangin ang latest SWS survey kay Vice President Jejomar Binay.
‘Yun bang bato sa gilid ng bangin na unti-unting dumadausdos pero hindi tumitigil.
Sa pinakahuling survey, dumausdos pa ng 5 porsiyento si Binay.
Pero sabi ng kanyang bagong Spokesman na si Atty. Rico Queso ‘este Quicho, okey lang ‘yun dahil number one pa rin naman daw si VP Binay.
Totoo naman ‘yan.
Pero sabi nga natin, parang bato pa ring dumadausdos sa gilid ng bangin ‘yang survey na ‘yan.
Maliban na lamang kung may pupulot sa batong ‘yan at muling ihagis paitaas na magla-landing sa tuktok.
Anyway, sa isang banda, mukhang maigi rin na nagkakaganyan ang survey ni VP Binay dahil sa mga susunod na linggo lang, makikita ninyo, mamimigay na naman ng mga bagong bahay (as if sariling pera niya ang pinagkuhaan) sa mga mahihirap.
O kaya naman mamamahagi ng relief goods sa Visayas kahit walang bagyo.
Makikipag-boodle kung saan-saan at makikita na naman natin na lumalafang siya sa palengke.
O baka may iba pang bagong gimik…
Abangan po natin, baka may bagong style na ang kampo Binay.
Bow!
Seguridad para kay Pope Francis huwag naman gawing overacting
Napanood natin sa telebisyon ang pagbisita ni Pope Francis sa Sri Lanka.
Ang una nating napansin, napaka-normal ng sitwasyon.
Maraming tao, may security force, pero hindi overacting.
Nagugulat kasi ako sa mga press releases na nababasa ko nitong mga nakaraang araw tungkol sa ginagawang preparasyon ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa pagdating ni Pope Francis.
Aba ‘e parang sa Somalia o Afghanistan pupunta ang Santo Papa at hindi sa bansa natin.
Ang daming bawal. Kulang na lang sabihin nila na bawal makita si Santo Papa.
Nakikini-kinita ko tuloy na sa laki ng puwersang militar at pulisya na itatalaga plus the snipers at siyempre hindi mawawala ang MMDA ‘e baka magkaroon ng ‘cordon sanitaire’ ang Santo Papa na ayaw na ayaw niyang mangyari, ‘di ba?
Paranoid na ba tayo?
Kaya unsolicited advice lang po sa mga kinauukulang ahensiya, huwag pong gawing OVERACTING ang seguridad para kay Pope Francis.
Let’s observe MERCY and COMPASSION!
Mabaho raw ang publicity stunt ni Binay
OPINYON Ging , 47 yrs old,20th Av., Barangay Sn Roque, Q.C. ang front page picture ni binay kasama ang yumaong si fpj bilang publicity stunt ni binay sa —— publications ngayong death aniv ni fpj ay napakabaho! si fpj ay malinis. malayong kabaligtaran ni binay na talamak na corrupt +63917328——
Mga ala-Gestapo na kolektong sa Quiapo
SOBRANG pahirap sa amin ang mga kolektong dito sa quiapo .panay panay ang kolekta sa amin nila anton scarface at ni jayr kalbo .tata lopes .wala na nga kami halos kinikita.hindi nila maintindihan ,minumura nila kami kapag hindi kami makapagbigay .abusadong pulis iyang si froilan lopes ilang beses na naming nireklamo . +6393516 – – – –
Laging delay ang pasweldo ng Nuevo Agency
SIR, gud pm po, paki kalampag nga po yng agency namin, NUEVO SUPREMO SECURITY AGENCY lagi late magpasahod,wala na silang awa sa mga gwardiya nla, mga walang kwenta. +6394628 – – – –
Kolorum tour business sa Intramuros (Attn: Atty. Ma. Victoria Jasmine)
Good pm, boss Jerry…nagsimula na naman magwalking tour bznz dto Intramuros na walang DOT accreditation. dito s Intramuros to conduct bznz s halagang 1200Php/pax.unfair sa parte ng DOT sa aming may Accreditation ng DOT tulad ng Castillan Tours, Bambike at Zegway. Paki kalampag Sir si Atty Ma Victoria Jasmin ng DOT regulation. Malamang unaware siya sa kagagohan ulit ni Carlos Celdran. Salamat uli Boss Jerry. By d way Boss Jerry. Ds is d no. of DOT USec Atty. Ma. Victoria Jasmin… 459-5200. +6394934 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com