Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Onemig, natatakot ilayo ang mga anak sa kanya at dalhin sa France

ni Ed de Leon

011315 onemig

HINDI na kami nagulat doon sa narinig naming balita na hinihingi ng dating matinee idol na si Onemig Bondoc ang sole custody ng kanyang dalawang anak na babae sa kanyang misis na si Valerie Bariou. Early last year pa namin naririnig na medyo malabo na raw ang kanilang relasyon. In fact bago pa sila naghiwalay, lumabas pa ang TV interview ni Valerie na umaaming may problema nga sila sa kanilang relasyon. Basta ganoong umamin na in public ang isa, malala na ang sitwasyon. Pero nanatiling tahimik si Onemig tungkol sa issue na iyon.

Noong umamin ang kanyang asawa na may problema na nga sila, alam namin most probably hiwalay na nga sila, dahil sino ba naman ang aamin ng ganoon in public kung nagsasama pa at posible pang magkasundo?

Tahimik pa rin si Onemig tungkol sa issue, pero sa palagay namin umaasa pa rin kasi siya na alang-alang sa kanyang mga anak ay baka may mapagkasunduan silang mga bagay. Pero siguro nga hindi na sila umabot sa anumang kasunduan, at kagaya ng madalas na epekto ng paghihiwalay, may isang partido na hindi nagkakaroon ng panahong makasama ang kanilang mga anak kaya hayun na si Onemig at humarap na sa korte para hinging ibigay sa kanya ang sole custody ng kanilang dalawang anak.

Sa ilalim ng ating mga batas, kung ang mga bata ay maliliit pa, pinapaboran ng korte na mamalagi silang kasama ng kanilang ina. Kung may sapat na isip na sila, tinatanong sila kung kanino nila gustong sumama. Sa kaso ni Onemig, dayuhan si Valerie, at maaari niyang sabihin na mas matututo ng Filipino values ang kanyang mga anak kung nasa kanya. Isa pa, may posibilidad na umuwi si Valerie sa France at dalhin ang kanilang dalawang anak. Iyan siguro ang mga batayan ni Onemig kaya niya hinihingi ang sole custody ng kanyang mga anak.

Kasal din sila ni Valerie sa sibil. Palagay namin iyan naman ang susunod nilang aayusin.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …