Solaire Casino napasok ng sindikato
hataw tabloid
January 12, 2015
Opinion
BAGO matapos ang taon 2014, naging mainit na usap-usapan ang isyung napasok ng sindikato ang Solaire Casino.
Halos ilang buwan umanong namayagpag ang nasabing sindikato at milyones (kuno) ang nadale sa Solaire casino.
Ayon pa sa ating impormasyon, pineke ng sindikato ang P10k-worth Casino chip. Napakahusay umano ng pagkakapeke kaya kahit ang kanilang chip machine detector ay hindi ito nakilatis.
At kung kailan matatapos na ang Disyembre ay saka lamang natuklasan ang nasabing modus operandi ng sindikato.
Tsk tsk tsk…
Aba, Mr. Enrique Razon mukhang malaki talaga ang problema ninyo sa inyong intelligence and security force.
Mantakin ninyong napasok kayo ng sindikato nang hindi ninyo namamalayan at namayagpag pa nang halos ilang buwan?!
Aba ‘e akala ko ba, magagaling at eksperto ang inyong inutel ‘este intelligence and security force?
Mukhang sa abduction, kidnapping at salvage lang magagaling ‘yang nakuha ninyong intelligence and security force?!
O baka naman sila mismo ang kasabwat ng sindikato?!
Tayo naman ay nagtatanong lang ho…
Pero dapat ka na sigurong kabahan Mr. Razon, dahil malaking sablay ‘yan sa security operations ng isang casino.
Ano sa palagay ninyo?!
Davao Immigration mukhang sasalto na kay Mayor Rudy Duterte
PANAHON na upang tuluyan nang harapin ni Immigration Commission Siegfred Mison ang sindikato naman ng mga kotongero sa Davao Immigration.
Mukhang hindi umano nakontento sa mga nabibiktima nilang mga dayuhan kaya maging ang local government unit (LGU) na pinamumunuan ni Mayor Rodrigo Duterte ay inilakad ng KOTONG sa mga Bombay.
Mayroon umanong impormasyon at sumbong na nakaabot kay Mayor Duterte na bawat ‘transaksiyon’ ng nasabing sindikato sa Davao Immigration, P5,000 umano ang nakatara para sa BI-DAVAO.
Aba sa sobrang galit sa sindikato d’yan sa Davao Immigration ‘e nauna pang umusok ang ilong ni Mayor Duterte kaysa mga kili-kili ng mga Bombay.
At ‘yang galit na ‘yan ay ibinuhos talaga ni Mayor at narinig ng sambayanan sa isang estasyon ng radyo nakaraang Sabado.
Kung napagalit ng sindikato sa Davao Immigration si Mayor Duterte at tahasang nagdeklara sa media, isa lang ang ibig sabihin n’yan may bi-BINGO na sa mga tao mo d’yan Commissioner Fred Mison.
Dapat mo nang patunayan ang sinasabi mong “bad guys out, good guys in.”
Sa totoo lang, madalas na nating naririnig ‘yang reklamong ‘yan at minsan na nating nakanti ang isyung ‘yan.
Pero hindi natin alam kung saan at kanino nanghihiram ng tapang ng sikmura at kapal ng mukha ang sindikato d’yan sa Davao Immigration at napakalakas ng loob nilang mamayagpag hanggang dumating ang panahon na maging ang pangalan ni Mayor Duterte ay tahasan na nilang ginagamit.
At doon sila nagkamali.
‘Yun na pala ang “The End” nila.
Knowing Mayor Duterte, suwerte na kayo kung kakasuhan lang kayo sa Korte at sa Ombudsman…
E kung ipanguya sa inyo ‘yang ilang limang libong piso na kinikil ninyo sa mga Bombay, tingnan natin kung sino sa inyo ang tatagal!
Aabangan po namin ‘yan, idol Mayor Rudy Duterte!
Everyday happy ang mga lespu ng MPD-Presinto Quatro sa mga 1602 operator
ISA sa masaya at maswerteng presinto ngayon sa MANILA POLICE DISTRICT ang MPD PS-4 na pinamumunuan ni Kernel MUARIP.
Bago pa raw pumasok ang Disyembre nakaraang taon ay nagpakilala na ang ilang pulis quatro sa mga operator ng 1602.
Pero hindi para pagsabihan na itigil na ang kanilang ilegal na pasugal kundi largahan pa ang 1602 operation nila sa A.O.R. ng PS-4!
Mukhang hindi pa sila nasiyahan sa dati nang talamak na bookies ng kabayo, STL, lotteng, jueteng) sa kanilang teritoryo nina BOY SIMBULAN, PASYA, BAGMAN COP PAKNOY at EDNA ENTENG D. ROSARIO ‘e nagpapasok pa ng operator ng color games at drop ball sa Bustillos St., na malapit sa mga unibersidad, dormitory at boarding house.
At para mas masiyahan ang operator nito ay pinalatagan pa ng perya-galan!
Piyestang-piyesta nga raw ang mga operator dahil doon mismo sa kalye DAPITAN na dalawang kanto lang ang layo sa Presinto-4 ay nilatagan na rin ng maliliwanag na mesa ng color games at drop ball!
Sonabagan!!!
Untouchable nga raw lahat ng 1602 operator sa nasasakupan ng Presinto 4 dahil ‘timbrado’ sa kanila at sa city hall?!
Aba Kernel ‘boy rekta’ Muarip, magpa-kape ka naman paminsan minsan…jackpot na jackpot pala ngayon ang estasyon mo?!
Highway prostitution sa Angeles City
SA mdaling arw po nasa tabi ng Pampang Market ung mga minor n babae lalo ung tatlong magpipinsan n mga tga cutod… nako sir, khit s trak lng okey n s mga ito… alam po kya ito ni mayor Ed Pamintuan… Mayor alam u ba ang mga ito? Tnong lng po. +63921510 – – – –
Senior Citizen lang ang may discount
MR. JERRY idol kta, senior ctzn ako at retired rest employee, ang entitled lng po sa benefit ung mga card holder na sr ctzn, non member wala po dscount why there are 2 receipt, u can just imagine if 1 Sr ctzn wedding ceremony on the contention of being father of groom, baptismal, etc card holder lng po. Mr. Jerry hndi po tayo talo mski sa programa n’yo ni Percy Lapid pnagppuyatan ko, wala talaga restaurant mag-avail dscount pg hndi sr at disabled person, malulugi po sa maintenance cost. +63919843 – – – –
APD maangas pa sa tunay na pulis training at trabaho security level
SIR magandang tanghali. Nabasa ko ang sumb0ng sa iyo ng tga transport ng terminal 3 sa NAIA regarding sa pangha-harass ng tga APD. For info hndi po POLICE ‘yang airport police na ‘yan kundi hamak na security
guard lang. Masyad0ng assuming ang mga ‘yan. Malaki ang ipinagkaiba ng training ng police sa security guard! Malakas ang lo0b ng mga ‘yan kz cla dw ang batas sa loob ng airport at malake b0nus ng mga ‘yan. N0ng may pinatay na Mayor at na recover na bomba jan sa t3 wala kang makitang aiport police na rumesp0nde. Lahat nsa l0ob nagtatago. Kng gusto nla maging POLICE mag-apply cla sa PNP. Hnd ung gagawa cla ng organization at ia-assume nla na Police o PNP. – Concern Citizen +6339923 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com