Sumisirit na presyo at buwis pasabog ng 2015
hataw tabloid
January 10, 2015
Opinion
PAGKATAPOS ng dagdag-pasahe sa MRT at LRT na talagang ikinadesmaya ng sambayanang commuters (mula P15 naging P37) heto na naman ang taas-singil sa serbisyong tubig.
Hindi pa nga natin nararamdaman ang komportableng serbisyo ng dalawang concessionaire ng Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS), nagkaroon pa sila ng lakas ng loob na magdagdag ng singil sa kanilang serbisyong mas mabilis lang magputol kapag hindi nakapagbabayad at magbutas ng kalsadang ginastusan ng buwis ng mamamayan.
Sige sabihin na nating humihingi naman sila ng paumanhin para raw sa maayos na daloy ng serbisyo.
Pero ‘yun pala ang rason, pagkatapos nilang gumastos sa pagsasaayos ng mga pasilidad ‘e babawiin pala nila sa kanilang consumers.
Onli in da Pilipins lang talaga na ang isang ahensiyang pag-aari ng pamahalaan ay isinasapribado pero ang pagsasaayos at rehabilitasyon ay ipinapapasan sa sambayanan.
At huwag po kayong magulat dahil panahon na naman ng bayaran ng buwis baka lalo kayong magulat na halos kalahati ng kinita ninyo ay mapupunta sa Rentas Internas nang hindi n’yo naman nararamdaman kung saan napupunta.
Pati buwis nila ay sa atin ipinapatong ng walanghiyang water concessionaire na ‘yan!
Baka dumating na ang panahon na pati hangin na nilalanghap natin ay de-metro at may bayad na rin!?
‘Yan po ang eksaktong pasabog ng 2015 — nagtataas ng presyo ng mga bilihin, dagdag-singil sa mga serbisyong panlipunan at nakagigitlang pagpapataw ng buwis.
Welcome 2015!
BUCOR Director Franklin Bucayo, bilib na ko sa tibay at kapal mo!
TALAGANG matindi rin ang fighting spirit ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Bucayo.
Nakabibilib ang tapang ng hiya ng mamang ito.
Kanino kaya nanghihiram ng kapal ng mukha si Bucayo at sa kabila ng sunod-sunod na bulilyaso sa National Bilibid Prison (NBP) ay hindi pa rin niya naiisipang mag-resign at lumayas na riyan.
Aba, si Justice Secretary Leila De Lima ang nakikita nating nagtatrabaho diyan sa Bilibid at hindi na siya.
Para na lang siyang flower vase diyan at si SOJ De Lima na lang ang kumukumpas sa operation ng Bilibid.
Ilang beses nang ni-raid ang NBP at katakot-takot na armas ang nakuha pero hayan mayroon pa rin nakapagpasabog ng granada.
Dahil sa nabulabog na lihim ng Guadalupe sa Bilibid, pupusta tayo na mayroon pang mga susunod na pangyayari pagkatapos niyang pagpapasabog na ‘yan.
At ‘yun ang dapat mong abangan, ret. Gen. Bucayo!
Kung gusto mo pang manatili sa iyong posisyon, dapat ay mayroon kang kakaibang intelligence skills para ma-pre-empt ang mga susunod pang mangyayari na tiyak na maglalagay sa kanila sa kahihiyan ni Secretary De Lima.
Pero kung wala kang kakaibang intelligence skills o wala ka na talagang ibubuga, palagay natin ‘e dapat nang mag-resign si Director Bucayo.
Bakit kaya hindi subukan ni SOJ De Lima, na isang civilian naman ang mamuno sa Bucor/NBP, e marami na tayong nakitang naitalaga diyan na mga ex-police/military pero dehins naman nagkaige ang trabaho nila ‘di ba?
Wala po itong masamang tinapay, ang sa atin lang ‘e ‘yung kung ano ang nararapat at ikabubuti sa Bilibid.
‘Ano sa pakiramdam mo Director Bucayu?!
MPD PS-3 Plaza Miranda PCP tahimik pero sagasa pa rin sa “intel”?!
Matapos ang kapistahan ng poong Nazareno ay usap-usapan pa rin sa hanay ng pulisya sa Manila Police District (MPD) ang tahimik pero malalim na ‘intel’ ng ilang operatiba ni Plaza Miranda PCP commander TINYENTE ROMMEL ANICETE.
Ayos naman daw sana ang pagiging malalim sa INTEL pero ibang intel pala ang tinutukoy nila… intel as in intelihensiya pala?!
Pasok (timbrado) pa rin sa PCP Plaza Miranda ang bentahan ng ipinagbabawal na abortion pills (cytotec), talamak pa rin ang ‘tulakan’ ng illegal na droga sa likod ng palengke.
What the fact!
Nagkalat pa rin ang sanga-sangang bookies ng kabayo sa eskinita ng CARRIEDO, HIDALGO at RAON.
Lantaran pa rin ang bentahan ng mga sex toys/gadgets diyan sa Raon-Quezon Blvd., overpass at sa mga bangketa.
Nagkalat rin ang color games sa AOR ng Plaza Miranda PCP.
It’s really your time to shine, Tinyente Anicete!
Paki-explain MTPB Chief Carter Logica!
SIR sumbong ko lang 2 Metro North Impounding 2 buwan sla wala trabaho pero tuloy daw ang koleksyon kaya kuhanya dto sa Parolatoda 7k week utos daw sa kanila ni mtpb Chief Carter at ang hepe nila sa North. kaya pala dati ang kotse gamit Carter luma ngayon bago na at Avanza pa may 2 body guard pa na Police maynila na xia lng binabantayan sa pagalis at paguwi. pakiimbestigahan po sana ni Mpd oic Director P/S.Supt. Nana 2. pls wag ilagay Cp ko. Opisyal ng Parola toda. 09184005—
“Toll fee” sa Brgy. 128 ni Hernane?!
Sir Sumbong ko lang si Chair Siegfred Hernane na pati sticker ay kanyang pinagkakaperahan na bawat sasakyan na pumapasok sa Brgy 128 ay kailangan may sticker na PHHC sa halagang 300 piso bawat isa. Wala sticker hndi pwede pumasok sana sabing barangay. Pls hwag ilagay Cpko Residente ako dto. +6392928——
Mga 15/30 police sa Region 10
Gudam, sir jerry pakibulabog ang REGION 10 PNP kc marami din 15-30 d2. ang aming opisyal ang tumatanggap ng sweldo. kapag may bcta lang cla tnatawagan para pumasok. wag po ilabas number ko. pulispo ako dto. +6390666—–
Shabu tiangge sa Ususan Taguig
Gud day sir help nyo kAmi maireport sa pdea, tagig pnp chief at kay mayora ng taguig yn shabu tiangge to 11 at 15 kalayaan st, ususan, tagig city, god bless po.0918882—–
Mensahe sa taga-Maynila
Magandang gabi po gusto ko lang parating sa taga Maynila ang mensaheng ito, kasalan ninyo bakit nyo tinalikuran c Lim e pinagpalit ninyo kay Erap. hindi ninyo tiningnan ang nagawang kabutihan ni Mayor Lim. eh ngayon reklamo kayo ng reklamo kayo ang pumili kay Erap kc laki ang perang binigay nya noong eleksyon. mukha ka c kayong pera. E yan tuloy napala nyo ngayon. binabalewala nyo kasi si Mayor Alfredo Lim. wag lang publish ang nomero ko. +63910176—-
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com