Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

DongYan, dapat nang ilako ang paggawa ng movie o TV special

ni DANNY VIBAS

081214 marian rivera dingdong dantes

MUKHANG dapat ay magsimula na agad na gumawa ng pelikula o TV special man lang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes pagkabalik na pagkabalik nila mula sa kanilang honeymoon. Hot na hot kasi sila ‘di lang sa mga tabloid at sa showbiz journalists kundi pati na rin sa social network media at sa socio- political writers sa iba’t ibang anyo ng media.

Halimbawa, pati na ang socio-political journalist na si Philip Jr. Lustre ay ilang beses nag-post sa Facebook (FB) tungkol sa kasal ng dalawa. Bagamat negative kina Marian at Dingdong ang isinusulat n’ya, negative o positive publicity, publicity pa rin ‘yon. May pakinabang pa rin ‘yon.

Which means, kung may ipalalabas na bagong proyekto ang bagong mag-asawa, malamang ay maka-jackpot ‘yon sa takilya o sa rami ng commercials.

Kailangang ilako na agad nina Marian at Dingdong sa publiko at sa mga producer ang pagsasama nila. Sila rin, baka bigla silang malaos kung wala silang project agad bilang mag-asawa.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …