Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

English Only Please nina Derek at Jen, dapat agad sundan!

 

ni Roldan Castro

120814 jen derek

DAPAT samantalahin ang init ng tandem nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay pagkatapos ilampaso sa MMFF ang pelikula ni Dingdong Dantes. Nasa top 4 na angEnglish Only Please.

Sundan na agad ang pagsasama ng dalawa. Bakit hindi gumawa ulit ang Quantum Filmso kaya pagsamahin ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films sina Derek at Jen plusDennis Trillo.

Parang magandang may project ulit sina Jen at Dennis lalo’t walang tigil ang isyu sa balikan blues nila kahit nagdi-deny sila. Ang latest na naman ay nakikita umano ang aktres sa condo ni Dennis na pinabulaanan niya sa presscon ng bago niyang serye.

Ang tatlong ito ay puwedeng gumawa sa Regal. Hindi ba’t may pinirmahan noon si Derek na gagawing pelikula sa movie outfit ni Mother Lily? Hindi ba’t panahon na para gumawa siya?

May non-exclusive contract din si Derek sa Viva, puwede rin sila gumawa roon ni Jen.

Mukhang malaya naman si Jennylyn na gumawa ng project kahit saang production.

Malaking bagay ang English Only Please sa point ng career nina Derek at Jen. Pinatunayan nila na hindi lang sila pang-drama, pang-sexy kundi umaariba rin sila sa romcom (romantic-comedy). Pruweba rin ito na hindi laos si Derek, huh!

Live na mapapanood sina Jen at Derek sa February 13 sa Skydome, SM North Edsa dahil may Valentine concert si Jennylyn. Kompirmado na raw na guest si Derek.

Wow!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …