Hindi kaya ma-Corona si VP Jojo Binay sa kanyang new spokesman?
hataw tabloid
January 8, 2015
Opinion
ISANG litigation lawyer daw ang bagong tagapagsalita ni Vice President Jejomar Binay — isang Atty. Rico Quicho.
Kilalang litigation lawyer pero hindi na siya bago sa trabahong pagiging spokesman dahil ganito ang naging trabaho niya kay impeached Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Si Cavite Gov. Ronvic Remulla naman, gaya ng sinabi niya hanggang Disyembre 2014 lang siya kaya ngayon naman daw ay pagtutuunan niya ng pansin ang kanyang lalawigan at constituents.
Mabuti naman Governor!
Kunsabagay, okey lang na ma-out na si Gov. Remulla bilang isa sa spokesperson ni Binay kasi wala naman talaga silang naiklaro sa mga isyung ibinabato kay VP Binay.
Wala silang alam na sagot kundi, politika o naninira lang ‘yan.
‘E dapat nga, palitan na rin ‘yan sina Rep. Toby Tiongce ‘este’ Tiangco at Atty. JV Bautista kasi ganoon lang din ang performance nila.
Baka nga sila pa ang dahilan ng pagbaba ng rating ni Binay sa mga survey!? Nakaiinis kasi pakinggan ang mga palusot ‘este’ paliwanag nila!
Abangan naman natin itong si Atty. Quicho kung magkakaroon ng kakaibang performance bilang spokesperson ni Binay.
Kailangan din sigurong samahan ng matinding dasal at patawas ni VP Binay dahil baka ma-impeach siya katulad ng naunang amo ni Quicho!?
Ingat-ingat lang Vice…
Privatization ng NAIA unti-unti nang sinisimulan
SI SECRETARY Joseph Emilio Aguinaldo Pabaya este Abaya ba ay inilagay sa Department of Transportation and Communication (DOTC) para sa unti-unting transisyong pribado ng mga pag-aari ng gobyerno?!
Naitatanong natin ito, dahil sa sunod-sunod na development sa ahensiyang kanyang pinamumunuan na kinasasangkutan ng pagpapasa sa pribadong sektor ng operation and maintenance, una na ng MRT 3.
Kasunod nito, pinag-iisipan na rin ng DOTC na ipa-bid pala ang operation and maintenance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa kasalukuyan ang mga terminal ng NAIA ay nasa pamamahala ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang ahensiyang direktang nakapailalim sa DOTC.
Matagal na nating naririnig ang planong isapribado ang NAIA/MIAA.
Pero ang hindi natin maintindihan, bakit ginastusan pa ng pamahalaan ang rehabilitasyon ng NAIA terminal 1 sa halagang P1.3 bilyon kung plano naman palang isapribado ang operation at maintenance nito?!
What the fact!?
Ano ‘yan? Kikita nang walang puhunan ang mananalong bidder? Bakit hindi hinayaan na ‘yung pribadong kompanya na ang namahala sa rehabilitation ng NAIA terminal 1 kung ipa-privatize rin naman pala?!
Ang isa pang tanong dito kung isasapribado ang NAIA, ilang libong empleyado ang maaapektohan ng privatization?
Ilan ang ia-absorb, kung mayroon, o ilan ang mawawalan ng trabaho at magugutom ang pamilya?
Mayroon ba silang programa para sa mga empleyadong mawawalan ng trabaho?
Ilan lang po iyan sa mga katanungan na dapat sagutin ng DOTC.
Pero ang isa sa malaking kuwestiyon na dapat harapin ng administrasyong PNoy, talaga bang pagsasapribado ng pampublikong ahensiya ang solusyon para sa maayos na pamamahala?!
Pakisagot na nga Secretary Abayad ‘este Abaya!
Thank You Idol USEC. Rey Marfil
HULI man daw at magaling, huli pa rin… hehehe
Kidding aside nagpapasalamat po talaga tayo kay USEC. Rey Marfil (ang Boy Abunda ng Palasyo) dahil hindi kumukupas ang kanyang pag-aalala sa inyong lingkod mula nang maupo siya d’yan sa Malakanyang.
Hindi ko na sasabihin kung ano man ‘yung iniregalo niya dahil baka may mainggit at magselos pa.
D’yan naman tayo bilib sa BFF ni PNoy na si USec Marfil hindi nakalilimot… wala naman sa halaga ng regalo ‘yan, ang importante ay naaalala ka ng isang kaibigan.
Hindi katulad ng tatlong kasamahan niya d’yan sa Palasyo…mukhang wala na yatang pakiramdam?
USEC Marfil, sana kahit wala ka na d’yan sa Palasyo hindi ka pa rin magbago.
Isang mapagpunyaging Bagong Taon para sa iyo!
Alaska Milk lasang sabon!?
GUSTO namin ipabatid sa inyong kaalaman na ang ALASKA CONDENSED MILK na aming nabibili ay may LASANG SABON.
Hindi lang minsan kundi madalas. Marami rin ang aming produkto na na-reject dahil sa masamang lasa ng Alaska condensed milk. Sana po ay maipaabot sa kinauukulan at mabigyan ng action ang aming complaint para maiwasan ang legal action sa aming panig.
Paki-asikaso po at bigyan kami ng information kung ano na ang naging resulta sa aming complaint. Maraming salamat po! – Eduardo Manugue San Juan Bautista, Betis, Guagua, Pampanga – +63919.555.03.47
Kulugo este Lugo sapilitang nanghingi ng P150 sa street sweeper para sa Xmas Party!?
GOOD pm sir Jerry nais ko po sana idulog sa inyo problema namin na mga street sweepers. Pilit po kmi hinihingan ng 150 pesos ni lugo hepe ng dps dist. 3 para daw po sa Xmas party? Compulsory raw po. Boss jerry nagwawalis lang po kmi. Cla nga po itong malakas mgnakaw sa vendor tapos hihingan pa kami ng pang xmas party… sir Jerry wg n’yo po ilagay number ko. Tnx po god bless C lugo po ang kanan at kaliwang kamay ni Che Borromeo.+6392589 – – – –
Kaya ba ni Col. Estomo na banggain ang pergalan at saklaan sa Cavite?
KAYA ba ni Col. Estomo bagong provincial director ng Cavite ang pergalan nina Tessie, Jessica at Atienza ang pasugal ng VK lotteng ending EZ2 at puesto pijo na sakla at saklang patay ng mga tao ni Strike Revilla sa Bacoor at Imus. Ang puesto pijo ng 24hrs sa boundary ng Las Piñas at Bacoor. +6391565 – – – –
Bwisit sa mga tarpaulin
Balik at nakaharang na naman ang mga tarpaulin ng mga negosyante at politiko sa sidewalk at kalye ng Gandara Binondo Manila. Nabayaran ba sila Jerry Yap? +63929311 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com