Friday , November 22 2024

Tama ‘yan, mamamayan muna! at Paalam Papa Pianong

00 aksyon almarHAPPY New Year!

Naniniwala akong masaya ang inyong pagsalubong sa bagong taon – masaya dahil kompleto ang inyong pamilya, masaya dahil binig-yan tayo uli ng Panginoong Diyos ng panibagong pagkakataon na maglingkod sa kanya – gawin ang mga plano niya para sa atin at masaya dahil wala rin naputukan sa inyo. He he he…

Lamang, nakalulungkot ang mga naririnig kong hindi raw maayos o masaya dahil wala silang pera. Well, kung minsan ay hindi mo naman masisi ang mga nagsabi nang ganito pero naniniwala akong may magagandang plano ang Diyos sa kanila sa likod ng mga pagsubok.

Ano pa man, maraming magagandang plano ang PANGINOON sa ating lahat, kumilos lang tayo at magtiwala sa KANYA at huwag maging batugan.

Happy New Year at laging tandaan, MAGTIWALA lang tayo sa KANYA at gawin ang lahat na naaayon sa plano NIYA.

Heto nga, habang isinusulat ang pitak na ito may nakalulungkot na balita ang ipinarating sa akin ng aking maybahay. Inatake ang kanyang tatay at sa ngayon ay nandoon na si Papa sa DAKILANG LUMIKHA sa atin.

Paalam Papa Cipriano “Piano” Cabuenas.

***

Ops, kayo nga ba ay residente ng Quezon City at laging dumaraan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue (mula Philcoa hanggang Fairview) o hindi man kayo taga-lungsod pero napaparaan sa naturang lansangan?

Wala ba kayong napansin sa Commonwealth Avenue para sa inyong/ating proteksyon?

Alam naman ninyo ‘pag nalalapit ang Pasko ay maraming krimen ang pwedeng mangyari – kaliwa’t kanan holdapan at iba pa. Yes, nangyayari itong madalas sa Commonwealth Avenue. Ang mga nabibiktima ay mga pasahero ng PUJ/PUB,FX at iba pa.

Pero ang inaasahang insidente ay masa-sabing hindi nangyari o masasabi yatang minimal. Bakit?

Okey, Nobyembre 2014 napansin ko na ang ginawang pagbibigay halaga sa mga napapadaan sa Commonwealth Avenue – ang proteksyon sa bawat nagagawi rito.

Tinutukoy ko ang isang magandang kampanya laban sa krimen ni QC District 2 COUNCILOR RANNIE LUDOVICA.

Sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ay nagtayo siya ng masasabing assistance tent/desk o complaint center na magbibigay proteksyon sa bawat mamamayan sa lungsod.

Tinawag itong Quezon City Complaint and Action Post. Layunin ng programa hindi lamang ang pagbibigay ng ng tulong /assistance sa nangangailangan kundi para paalalahanin din ang bawat mamamayan sa kanilang karapatan o responsibilidad sa komunidad – ang tumulong sa pag-aresto sa mga pasaway sa lansangan o public places. Ipinaaalala ng programa ni Ludovica ang karapatan ng bawat mamamayan na hindi lang sila puwedeng magsumbong sa mga nakikita nilang lumalabag sa batas kundi pwede rin sila mang-aresto “citizen’s arrest” QC Ordinance.

Dahil sa programa, malaki ang ibinaba ng krimen sa kahabaan ng lasangan lalo na ang mga inaasahang puwedeng mangyari noong kasagsagan ng simbang gabi (misa de gallo).

Malaki rin ang ibinaba ng krimen dahil sa presensya ng complaint desk o di kaya ng mga mobile tem ni Konsehal na nagpapatrolya rito – nagpapatrolya mula Philcoa hanggang Fairview sa loob ng 24 oras.

Ang nakahahanga pa rito, saksi akong buhay – nakita ko pa mismo si Kon. Ludovica sa Commonwealth Avenue – pinangunahan niya ang kanyang mga tauhan sa pagbibigay proteksyon sa mga mamamayan. Maging sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko na pinangunahan niya.

Oo hindi tulad ng iba na nagpapalaki lang ng puwet sa loob ng kanilang opisina na tulad ng ginagawa ng nakararaming konsehal ng QC.

Kumbaga si Ludovica ay pulos aksyon ang ginagawa – katunayan hindi lang ngayon ko nasaksihan si Ludovica sa pagtatrabaho sa lansangan kundi noong isa pa siyang Barangay Chairman (Batasan Hills). Doon sa kanto ng IBP Road at Commonwealth Avenue. Limitado pa ang galaw niya noon kasi barangay lang naman ang ‘hawak’ niya noon.

Kahapon ng madaling araw, naroon ako sa isang post nila – sa harap ng St. Peter Church para pasakayin ang anak kong papasok sa skul. Una, nagtaka ako kung bakit nakatayo pa iyong complaint post samantala tapos na ang Pasko at pagsalubong sa bagong taon.

Kaya, minabuti kong kausapin ang mga nagbabantay roon. Hayun, nalaman ko na ang programa ay hindi lamang pala para sa nagdaang Pasko kundi tuloy-tuloy ang kampanya. Ano mang okasyon ang darating ay makikita na natin ang complaint post na ito – araw-araw at 24 oras na maglilingkod sa mamamayan.

Sa iyo Kon. Ludovica sampu ng inyong mga tauhan, tunay kayong mga AKSYON AGAD o action man.

Ingat po kayo lagi at God Bless you all.

Mabuhay kayong lahat!

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *