Wednesday , December 25 2024

LTFRB inasunto sa Ombudsman

USAPING BAYAN LogoUNA sa lahat ay binabati ko kayong mga matapat kong mambabasa ng isang mapagpalaya, at mapagyamang bagong taon. Mabuhay tayong lahat nang matiwasay at puno ng kaligayahan sa taong ito.

* * *

Ibig ko rin magpasalamat sa pamilya Zurbano, lalo na sa mag-asawang Joel at Grace at mga anak, dahil sa kanilang mainit na pagtanggap sa inyong lingkod nitong nagdaang bagong taon. Salamat sa inyo at sa masarap na Noche Buena na ating pinagsaluhan.

* * *

Masaya rin ako sapagkat bago natapos ang 2014 ay nakadaop palad ko ang aking mga pinsan na si Bobby Abanto at ang kanyang pamilya kabilang na ang kanyang mga anak na sina Ruel, Gretchen at Bebe at kanyang mga kapatid na sina Kuya Romy, Jun at Dante. Nakasalamuha ko rin ang kanilang ama na si Tsong Dodeng at kanyang kabiyak. Naandun din ang pinsan kong si Lee at iba pang mga pamangkin na sa sobrang dami ay di ko na maalala ang mga pangalan.

* * *

Nabahiran lamang ng pagkadesmaya ang bagong taon nang mabalitaan ko sa aking photographer na si Ramon Estabaya na may tumira ng kanyang hamon sa mismong tanggapan ng Quezon City Press Club. Kung sino man ang mapangahas na nasa likod ng pagkawala ng hamon ni Mon sana ay nabusog ka at iyong pamilya. Nakalulungkot isipin na baka lahat ng kakainin ninyo sa buong 2015 ay mula sa mga mawawalan nang dahil sa iyo.

* * *

Nakikiramay rin ako sa lahat ng mga nawalan ng buhay at nadisgrasya nitong bagong taon kabilang na yung libong nasunugan dahil lamang sa isang kwitis sa Balintawak, Kyusee.

* * *

Sinampahan ng kaso sa Ombudsman nina Kabataan Party-List Rep. Terry Ridon at ABAKADA Party-List Representative Jonathan de la Cruz si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez at dalawa pang board members kaugnay umano ng kanilang paglabag sa batas ng pag-iisyu ng mga prankisa.

Ayon kina Ridon at De la Cruz si Ginez, LTFRB Board Members Ronaldo Corpus at OIC Roberto Cabrera ay lumabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act matapos magmaneobra umano para mapalusot ang isang kompanya ng bus, ang Solid North, na na-revoke ang prankisa dahil umano sa paglabag ng batas kaugnay sa trasportasyon.

Tinuruan daw ng mga inihabla ang Solid North kung paano mapalulusutan ang LTFRB revocation order bukod sa hindi nila ipinatupad ang revocation order. Isang kompanya, Pangasinan Five Star, ang nag-file ng motion upang kwestyunin ang hindi pagpapatupad sa revocation order ngunit ang motion ay inupuan lamang umano ng mga akusado. Dahil dito ay nagsampa ng kaso ang mga mambabatas laban sa mga opisyal ng LTFRB.

* * *

Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maaari rin kayong tumawag sa 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894 / 09399385189

Nelson Flores

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *