Sunday , November 17 2024

Zamboanga’s IDPS kinalimutan na ng gobyerno?

IDPs zamboangaMABUTI na lamang at natawag ni Senator Miriam Defensor Santiago ang pansin ng pamahalaan kaugnay ng kalagayan ng mga internally displaced people (IDPs) sa Zamboanga City.

Higit dalawang taon na ang nakararaan nang ilagak sa tents (tolda) ang mga tao sa Zamboanga City na sinabing inatake ng mga tauhan ni Moro leader Nur Misuari nong Setyembre 2014.

Hanggang sa kasalukuyan ay sa tent pa rin naninirahan ang may 1,300 pamilya sa Zamboanga City.

What the fact!?

Kaya naman ipinupursige rin ni Senator Miriam na imbestigahan ang sinasabing ‘rehabilitasyon’ ng IDPs.

Kung hindi tayo nagkakamali, ang IDPs sa Zamboanga City ay nakatanggap pa ng tulong at donasyon mula sa United Nations at sa iba pang bansa.

Kaya naman maging ang US Embassy ay nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay sa tent pa rin sila naninirahan.

Nang tanungin si DSWD Secretary Donkey ‘este Dinky Soliman, itinuro at sinisi niya ang National Housing Authority (NHA) ni Binay dahil sa napakabagal na pagtatayo umano ng mga bahay para sa IDPs.

Sinabi ng NHA, sa kalagitnan pa ng 2015 nila matatapos ang nasabing mga kabahayan.

At habang bumabagal o walang nangyayari sa rehabilitasyon ng IDPs lalo namang sumasama ang kondisyon kung saan sila inilagak ng gobyerno.

Marumi, walang tubig, hindi ligtas at araw-araw ay marami ang nagkakasakit.

Kung matatandaan, ang gobyerno at ang MILF ay lumagda sa isang peace agreement noong March ng nakaraang taon, pero ang pakiramdam umano ni Misurari ay nabalewala siya ng pamahalaan.

Sa ganang atin, sa sitwasyong ito, ang mga casualty ni Misuari ang tunay na biktima ng giyera sa Zamboanga.

Kaya dapat na bilis-bilisan ni Secretary Donkey ‘este Dinky ang rehabilitasyon ng mga tent people sa Zamboanga.

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *