ISINUSULONG ngayon ng isang mambabatas sa Kamara na imbestigahan ang telecommunication companies (TELCOS) na kumukopo sa serbisyo ng internet sa bansa.
S’yempre dahil magkakakompetensiya, kanya-kanya silang pakulo o advertisement kung gaano kabilis ang kanilang internet at kung ano-ano pang package ang inio-offer nila sa kanilang subscribers.
Iba’t ibang PLAN pa depende umano sa kapasidad ng mga kliyente.
Pero kapag nag-subscribe na ang kliyente para rin silang nabiktima ng isang manggagantso na nagbenta ng kalabaw sa drawing.
‘Yung pangakong speed ng internet ang pinag-uusapan pala roon kung ‘gaano kabilis’ malaglag o maputol ang internet habang nagkokonek.
SONABAGAN!!!
Kumuha at nagbayad ng pinakambilis na plan ang subscriber kaya mahal ang binabayaran pero drawing lang pala.
Sa imbestigasyon na ipatatawag ng Mambabatas, nais nilang kunin ang panig ng TELCOS kung bakit makupad pa sa pagong ang kanilang internet services.
At mula rito ay aakda ng panukala ang Mambabatas na tatanggalan ng prangkisa ang TELCOS na hindi maide-deliver sa kanilang customers ang ipinamamarali sa kanilang patalastas.
Ako mismo ay abiktima ng mapanlokong promo-bundle nila. Parang kidlat na raw sa bilis ang internet provider na pinili ko pero matapos maikabit ‘e buwan- buwan na lang tinatawagan natin ang service nila dahil nagloloko ang internet nila!
Ang TELCOS ay walang iniwan sa mga kompanya ng tubig at ilaw na animo’y ‘bala’ sa bilis kung maningil sa mga subscriber pero kapag inirereklamo na ang kanilang serbisyo matulin din sila… matulin din na nakapagtatago at nakikipagdebate sa subscriber.
Hangad natin na hindi magbabago ang posisyon ni Kabataan Partylist Terry Ridon sa isyung ito nang sa gayon ay maiayos ng TELCOS ang serbisyo nila sa sambayanang hinoholdap nila.
Sulong Congressman Ridon!