Wednesday , December 25 2024

Silang makakapal ang mukha

USAPING BAYAN LogoUna sa lahat ay ibig kong batiin ang ating mga mambabasa ng isang makabuluhang Pasko at masaganang Bagong Taon. Harinawa ay maging masaya ang panahong ito para sa ating lahat.

* * *

Sa kabila ng paggunita natn sa pagsilang ng ating tagapagligtas na si Hesus ay marami sa atin ang patuloy pa rin na nagwawalanghiya.

Una na rito ang mga taksi drayber na pumipili ng pasaherong isasakay. Marami ang gumagawa nito kahit na malinaw na ipinagbabawal ng batas… ang mga drayber na ganito ay dapat i-report sa kinauukulan at kasuhan.

Bukod sa kunsumisyon natin sa mga mapi-ling drayber kailangang matyagan naman ang mga drayber na ang tunay na pakay ay gawan ng krimen ang kanilang mga isinasakay…ito ‘yung mga rapist o holdaper na drayber. Dahil sa pagdami ng ganitong uri ng drayber ay sang-ayon ako na magtayo ng checkpoint ang mga awtoridad para lamang sitahin ang mga bumibyaheng taksi sa Kalakhang Maynila.

* * *

Nakakagulat ang plano na itaas ang pasahe sa LRT at MRT sapagkat wala naman tayong nakikitang mabuting serbisyo mula sa mga nagpa-patakbo nito. Ang kapal ng mukha nila na isampal sa taong bayan ang bagong pahirap na ito.

Sa totoo lang hindi dapat alisin ng pamahalaan ang subsidiya sa LRT at MRT dahil tungkulin ng pamahalaan na paglingkuran ang bayan. Ibig ipraybitize ng administrasyong B.S. Aquino ang mga sistemang ito kaya aalisin ang suporta sa sistema. Kapal din ng mukha ng mga taong nasa likod ng pakanang ito.

Ayos ang pamasko mo sa amin na boss mo ha…

 

* * *

Inaawit ang Lupang Hinirang at iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas pagkatapos ng misa sa mga simbahan ng Iglesia Filipina Independiente (na mas kilala rin sa taguring Aglipayano) bilang pagpapatibay na ang simbahan ay “Para sa Diyos at Bayan (Pro Deo et Patria).”

Inumpisahan ang tradisyong ito noong panahon ng Amerikano bilang protesta sa anti-sedition law na ipinataw ng mga Kano noong 1908. Sa ilalim ng mapanupil na anti-sedition law ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagwawagayway ng bandilang Pilipino at pag-awit ng Lupang Hi-nirang. Ang pag-awit ng Lupang Hinirang at pagwawagayway ng bandila sa loob ng simbahan pagkatapos ng misa sa mga simbahan ng IFI ay buhay na tradis-yon na nagbibigay alab sa diwang makabansa lalo na noong panahon ng tahasang pananakop sa atin ng mga Kano.

* * *

Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at ma-tibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 0498220514 / 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894

Nelson Flores

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *