Sunday , November 17 2024

Mga maikling-maikling kwento: Experience Is The Best Teacher (daw)

00 kuwento

Tulad noong nakalipas na Bagong Taon, apaw na naman sa emergency ward ng isang ospital ang mga nabiktima ng paputok. May nasabugan sa kamay, sa mukha o sa iba’t ibang parte ng katawan. Hindi tuloy magkandaugaga ang mga doktor at nurse sa pagamutan sa pag-aasikaso sa mga sugatang pasyente.

“Diyuskupuuu!” ang hiyaw ni Tonton na naputulan ng limang daliri sa kamay sa pagsisindi ng “Goodbye Philippines.”

Bago ang insidente sa pagkagutay-gutay ng mga daliri sa kamay ni Tonton ay maaga siyang nakipagtagayan ng alak sa mga kabarkada sa looban ng kanilang barangay. At sa pagitan ng pakikipagtunggan at pa-mamapak ng pulutang lechon ay isinisi-ngit niya ang pagpapaputok ng nakatutulig na Goodbye Philippines.

Isang oras pa para mag-alas dose ng gabi at magsalo-salo sa Media Noche ang mga magkakapamilya, nagsalimbayan na ang walang patid na putukan. Nag-ulap ang buong paligid sa balumbon ng katakot-takot na usok.

“Booom!” ang malakas na pagsabog na ikinabingi ni Tonton. At nalagas na lahat ang limang daliri niya sa kaliwang kamay.

Kasabihan, “experience is the best teacher.” Pero hindi agad natuto si Tonton kaya sinalubong niya ulit ang pagpasok ng Bagong Taon sa pagpapaputok ng malalakas na rebentador.

“Hinding-hindi na po talaga ako hahawak man lang ng paputok!” ang malakas na atungal ni Tonton sa harap ng doktor.

Napailing-iling sa kanya ang doktor.

“Paano ka pang makahahawak ng pa-putok, e dalawang kamay mo na ang parehong naputulan ng mga daliri?” anito sa pagtataas-kilay. (wakas)

Ni REY ATALIA

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *