Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel, ‘di puwedeng umeksena kina Robin at Vina

 

ni Roldan Castro

083014 robin padilla mariel vina

NASALUBONG namin si Vina Morales sa pasilyo ng ABS-CBN 2 na guest sila ni RobinPadilla sa The Buzz para mag-promote ng kanilang pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Mabilis naming kinuha ang reaksiyon niya sa chism na selos na selos si Mariel Rodriguezsa kanya.

“Hindi…. mabait ‘yun,” tumatawang pahayag ng aktres.

Deklara naman ni Binoe sa The Buzz tungkol sa pagseselos ni Mariel, “Parang mahirap sabihing oo at sabihing hindi. Siyempre tao ‘yun at mahal na mahal ako niyon, at mahal na mahal ko rin naman siya. Pero siyempre sa mga usapin na ganito, nasa loob po tayo ng mundo ng entertainment. Nandito tayo para paligayahin natin ang mga tao na nalulungkot.”

Bagamat si Mariel ang nag-suggest sa balik-tambalan nina Robin at Vina, nandoon pa rin ang rules nilang mag-asawa na kailangang hindi siya umeksena, magpakita o bumaba sa sasakyan ‘pag nandiyan ang leading lady ng Action King.

Anyway, palabas na Ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo na kasama rin sina Daniel Padillaat Jasmine Curtis-Smith.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …