Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kristoffer Martin, malamig ang Pasko!

ni John Fontanilla

081314 kristoffer martin

SOLO flight at walang lovelife ang award winning actor na si Kristoffer Martin sa pagdiriwang ng Kapaskuhan dahil single pa rin siya at hindi pa nakahahanap ng panibagong pag ibig.

Pero hindi naman daw problema ito kay Tun Tun (palayaw ni Kristofffer) dahil puwede naman daw niyang i-celebrate ang Kapaskuhan kasama ang kanyang mga mahal sa buhay, kaibigan, at kamag-anak.

Choice niya rin naman daw ang maging single muna para na rin makapag-focus sa trabaho at sa pag-aaral. Alam naman niya na darating din at bobongga muli ang kanyang buhay pag-ibig, pero sa ngayon, focus muna siya sa taping ng Tunay na Ina, ang kanyang bagong serye sa GMA 7at sa Sunday All Stars and most of all, sa pag-aaral niya sa San Beda.

Hiro, nag-eenjoy sa pagbo-boses sa Anime!

ALIW na aliw sa pagda-dub ng Anime ang teen actor na si Hiro Magalona Peralta na boses niya ang ginagamit sa lead actor sa sikat na anime Kamen Raider na napapanood sa GMA 7.

Tsika ni Hiro, rito niya napa-practice nang husto ang kanyang boses para mas magkaroon ng tamang timpla ng pag-arte na boses lang ang gamit.

Ito nga ang pinagkakaabalahan ni Hiro bukod sa pagiging bagong dagdag nito sa remake serye na Yagit na badboy ang role niya.

Kambal na anak, inspirasyon ni Joel Cruz!

BACK to work na muli ang tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz pagkatapos ng ilang linggong pamamalagi sa Russia para na rin kagustuhang magkaroon ng anak muli at masundan ang cute twins na sina Princesa at Prince.

Sobrang busy nga ni Joel dahil sa mga naiwang trabaho at dahil na rin sa nalalapit na ang Kapaskuhan, pero keri ito ni Sir Joel dahil alam naman ng lahat kung gaano ito ka-hardworking .

Inspirasyon ni Sir Joel sa kanyang trabaho ang twins na siyang mga magiging big boss ng kanyang mga negosyo at ang mga ito rin daw ang dahilan kung bakit mas nagkaroon ng kulay at sobrang saya ni sir Joel.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …