MAGIGING mahigpit ang labanan sa pagkakongresista sa unang distrito ng Maynila sa darating na halalan.
Oo, bukod kasi sa limang konsehal na pumupormang papalit sa outgoing Congressman at tatakbong Vice Mayor na si Atong Asilo, isang batang Lopez ang nagpaparamdam ngayon na sasabak din sa congressional race sa Tondo 1.
Ito’y ang apo ni dating Manila Mayor Mel Lopez at anak ni Atty. Alex Lopez, ang mister ng may-ari ng Lyceum of the Philippines ay Bayleaf Hotel sa Intramuros, Manila, na si Andrew Lopez.
Si Andrew ay 28-anyos at isang master’s degree holder. Magaling ang batang ito. May ibubuga. Higit sa lahat ay may sariling panggastos sa kandidatura…
Kapag naging pinal na ang desisyon ng batang Lopez, ang mga makalalaban niya ay sina outgoing Councilors Ernix Dionisio, Dennis Alcoriza, Ian or Mina Nieva, ang utol ni Cong. Asilo na si Konsehal Obet at ang apo ni Mayor Lim na si Konsehal Nino dela Cruz.
Pero sa mga konsehal na ito, ang may sariling pera dito ay si Alcoriza, anak ng may-ari ng DEALCO, ang supplier ng mga karneng baka sa mga mall o supermarket.
Bagama’t ngayon palang sasabak sa politika si Andrew, tiyak na magiging banta siya sa mga kalaban. Dahil solid parin ang supporters ng mga Lopez sa Tondo 1. Remember nang tumakbo noong 2007 si Manny Lopez, anak ni ex-Mayor Mel, kahit napakaikli ng kanyang naging preparasyon ay dumikit siya sa nanalong si Asilo na dinala pa noon ng INC.
Kaya tiyak na magiging mahigpit ang labanan sa pagkakongresista sa Tondo1 sa 2016. Watchout!
Lahat ng tulong na Ibinibigay ng gobyerno, ginagamit lang ng mga politiko
– Boss Joey, dalawang araw walang Police Files. Lahat naman ng tulong na ibinibigay ng mga opisyal e ginagamit lang talaga ng mga politiko. Pero kakarampot naman ikumpara mo sa biyayang natatamasa nila, milyones bawat politiko. Magkano lang ba ang 4Ps, barya? Alisin nalang yan o ibigay sa dapat bigyan. – Juan ng Tondo
Dalawang araw nga walang isyu (Dec. 25 – 26) ang Police Files dahil umuwi ng pro-binsiya ang mga trabahador. Sa Dec. 31 – Jan. 1, wala uli kaming labas. Salamat sa inyong pagsusubaybay. Tama ka, Jun. Lahat ng tulong na ibinibigay ng gobyerno sa mamamayan ay ginagamit lang ng mga politiko. Pero lagi nating tandaan: Ang ibinibigay na tulong ng gobyerno ay pera nating mga nagbabayad ng buwis (tax)!
P500 bayad sa PNP rank accreditation
– Report ko lang po: Bakit ngayon kailangan na magbayad ng P500 para sa PNP rank accreditation e sangay ng gobyerno rin naman ang PNP? Sa tagal ko na sa PNP o 23 years na, ngayon lang nangyari ito. Bakit hindi nila gawin yung trabaho nila? Sa 50 libo na magpa-accredit times P500 ‘di P20 milyon! Hindi kasi alam ng other govt. agencies. Govt. yung CSC at PNP bakit kailangan magbayad e work nila yun? Ngayon lang nangyari ito sa tagal ko na sa PNP. Grabe na talaga ang ginagawa ng gibyerno natin. Saan naman kaya napupunta ang binabayad naming P500? Sana maimbestigahan ito ng Senado. -09287924…
Senador TJ Guingona, paimbestigahan nyo nga ito… Hinaing ng mga empleyado sa Parañaque City Hall
– Mr. Venancio, may hindi magandang nangyayari dito sa Paranaque City Hall. Marami sa amin mga regular employees ang walang uniform. Kalahati lang yata ang meron. Wala raw kasi budget. GSO (General Services Office) ang may hawak nito. Tapos nitong kapaskuhan, halos kalahati rin ang hindi nabigyan ng ham. Kaya marami sa amin ang umaangal. Wala naman kaming masabi sa aming mayor na si Olivarez dahil mabait naman ito. Hindi lang namin alam kung alam nya itong nangyayari sa distribution ng uniform at ham. Huwag nyo nalang po ilabas ang numero ko. – Paranaque City Hall employee
O, Mayor Olivarez, paki-imbestiga ang inirereklamong ito ng inyong empleyado. Aba’y ang yaman-yaman ng Paranaque ah… anyare?