Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

8-anyos, binansagang ‘most beautiful girl’ sa mundo (Sa pagtatapos ng taon . . .)

Kinalap ni Sandra Halina

122914 Kristina Pimenova

BINANSAGANG ‘the most beautiful girl’ sa mundo ang batang si Kristina Pimenova, ngunit ayon sa kanyang ina, ignorante ang 8-anyos na Russian supermodel sa kanyang katanygagan at karangalan.

Kilala sa catwalk simula pa lang nang 3-taon-gulang si Kristina sa kanyang pagmomodelo para sa Armani at Roberto Cavalli, at mahigit 2.5 milyong fans niya sa Facebook at 500,000 follower naman sa Instagram.

“She is a very modest girl, hindi niya alam kung ano ang parangal na ibinigay sa kanya—itong star-mania,” pahayag ng ina ng bata na si Glikeria Pimenova, isang dating modelo rin.

“Wala si-yang alam sa katgaang ‘popularidad’, hindi ito nababanggit sa loob ng aming bahay,” dagdag pa ng ina.

Isinilang sa Moscow noong Disyembre 27, 2005, ginugol ni Kristina ang unang mga buwan ng kanyang buhay sa bansang Pransya, na ang kanyang amang si Ruslan Pimenov ay isang football player para sa FC Metz.

“Ordinaryong dalagita si Kristina na pumapasok sa ordinaryong eskuwelahan sa Moscow.”

Ngunit bilang isang batambatang modelo, may busy schedule siya. Matapos sa eskuwela, nagpupunta siya sa gymnastics classes at nakakauwi lamang siya ng alas-8:00 ng gabi, pitong araw sa isang linggo.

Ayon sa ina ni Kristina, mahilig siya sa pizza at pancake at kapag may panahon siyang mamahinga ay nagbabasa din siya ng Alice in Wonderland, mga mitolohika ng Griyego at ang “The Little Prince.”

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …