Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paul Salas, batang negosyante

 

ni Timmy Basil

080414 paul salas

SALUDO ako sa mga batang aktor na may pagpapahalaga sa perang kanilang kinita sa showbiz. ‘Yun bang bata pa lang pero iniisip na nila ang kanilang kinabukasan at isa na nga rito ay ang Kapamilya young actor na si Paul Salas dahil sa edad na 16 ay may sarili na itong negosyo although ang nagpapatakbo nito ay ang kanyang parents, ang dating Universal Motion Dancer na si Jim Salas at ang magandang maybahay nito.

Napuntahan namin ang pinagmamalaking coffee shop ng mga Salas, ang Travelbean na matatagpuan sa Mother Ignacia Street, ilang hakbang lang mula sa BPI Bank.

Masarap ang Iced Tea at ang Nachos ng Travelbean na pula at green ang kulay.

Maganda ang concept ng coffee shop ng mga Salas, para ka lang nasa sarili mong bahay, at may mga item or pictures na nabili nila sa kanilang pagta-travel abroad.

Graduating sa high school si Paul ngayon sa isang exclusive school sa may Cubao area. Pagkagaling sa school ay diretso si Paul sa Travel bean kasama ang kanyang mga kaklase ay doon nagtsitsikahan at nagkakape. Maige nga naman ito kaysa tumambay pa sila sa kung saan-saan.

Sa second floor ay may acoustic singer, kapag pagod ka ay puwede kang umidlip sa kanilang malambot na upan, parang nasa bahay ka lang.

Samantala, sa January ay uumpisahan na ang teleserye na kasama si Paul, anak siya ni Dawn Zulueta. Nakalimutan ko lang kung ano ang titulo.

Anyway, sa mga kabataang aktor na kumikita ngayon, dapat gayahin ninyo si Paul na in-invest ang hard-earned money sa negosyo.

Ang sabi pa ni Jim, happy siya sa takbo ng Travelbean, bukod sa paboritong tambayan ito ng mga estudyante ay paborito rin itong pagdausan ng birthday party at ilan pang special occasion at regular ding nagte-taping ang isang soap opera ng ABS-CBN.

Ang sabi ni Paul, wala pa raw siyang girlfriend at pag-aaral at pag-aartista raw muna ang kanyang priority.

Tama!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …