Saturday , November 16 2024

Midas touch ni Bossing Vic Sotto sa takilya hindi pa rin kumukupas! (My Big Bossing Nila Ni Ryzza Mae sa MMFF patuloy na pinipilahan, Praybeyt Benjamin at Feng Shui Pasok sa Top 3)

00 vongga chika peterKABILANG ang My Big Bossing ni Bossing Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon sa pasok sa top 3 ng M

etro Manila Film Festival 2014 nang magbukas last December 25 sa mga sinehan nationwide.

Close fight ang pelikula nina Bossing at Aleng Maliit at angFeng Shui nina Kris Aquino at Coco Martin para sa pangalawang pwesto at nasa no. 1 spot naman ang movie nina Vice Ganda, Bimby, Richard Yap at Alex Gonzaga na The Ama-zing Praybeyt Benjamin na sa unang araw ng pagtatanghal sa 129 theatres sa buong bansa ay kumita ng P53,365,498.10 samantala P31,435,771.30 naman ang naitalang kita ng Feng Shui para sa 107 theaters at umabot sa P30 milyon ang My Big Bossing na showing sa mahigit 100 sinehan.

Sa mga darating na araw, posibleng magbabago pa ang ranking ng mga nabanggit na pelikula lalo na ngayong weekend na mas mara-ming kababayan natin ang dadagsa sa mga sinehan. Ngayong taon ay tagumpay na naman si Bossing Vic sa hangarin na makapagpasaya ng moviegoers specially sa mga bata na tagahanga ng kanyang mga pelikula.

Samantala may isa pang movie na humahataw rin sa takilya at ‘yan ang “English Only Please” nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay na bukod sa magagandang review ay kumita pa ng P19 milyon sa unang araw sa mga sinehan kaya naman laking tuwa ng producer ng film na si Atty. Joji Alonzo at magandang Buena mano ito para sa kanyang Quantum Films sa 2015.

120414 ryzza vic

Kumikita rin ang Kubot: Aswang Chronicles ni Dingdong Dantes, Shake, Rattle and Roll 15 at ang Bonifacio ni Robin Padilla. Very sad naman kami sa sinapit ng action movie entry ni da-ting Laguna Governor ER Ejercito na Magnum Muslim .357 sa hindi magandang resulta nito sa takilya. Mukhang ‘jinx’ talaga ang leading leady ni ER na si Sam Pinto na wala pa yatang kumitang pelikula.

Nakakalukrey naman gyud!

PANOORIN PUPPY EVER AFTER FINALE NI KATHRYN BERNARDO SA WANSAPANATAYM

Wagas na pagmamahal sa mga magulang ang iiwang aral ng Kapamilya Teen Queen na si Kathryn Bernardo sa TV viewers bago matapos ang 2014 sa “Puppy Ever After” finale ng WANSAPANATAYM Presents Puppy Ko Si Papi ngayong Linggo ng gabi, pagkatapos ng Goin Bulilit sa Kapamilya network. Sa pagdating ng takdang oras na ibinigay sa kanila, isasakripisyo ni Iris (Kathryn) ang kanyang sarili at hihilingin na sa kanya na lamang mapunta ang sumpa na naibigay niya sa kanyang ama na si Douglas (Dominic Ochoa). Ano ang gagawin ni Iris kapag napunta na sa kanya ang parusa at tuluyan na siyang maging aso?

Ang matibay na samahan at pagmamahalan ba ng mag-ama ang magiging susi upang matanggal na ang sumpa? Sa huli, matututuhan na ba ni Iris na pahalagahan ang pagmamahal at pagprotekta ng kanyang tatay para sa kanila ng kanyang kapatid?

Tampok din sa Wansapanataym Presents Puppy Ko Si Papi sina Khalil Ramos, Marlann Flores, Chienna Filomena, Apollo Abraham, John Steven de Guzman at John “Sweet” Lapus, mula sa panulat ni Yam Tanangco Domingo at sa direksyon ni Don Cuaresma.

 

ni Peter Ledesma

 

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *