Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Artista search kasabay ng TV5’s New Year countdown

00 fact sheet reggeeMAAGANG saya ang hatid ng TV5 sa lahat ng mga Kapatid ngayong 2015 dala ng New Year Artista search na bahagi ng Happy sa 2015: The Philippine New Year Countdown.

Inaanyayahan ang lahat na gustong maging artista na subukan ang kanilang pagkakataon at sumugod sa Quezon Memorial Circle sa darating na ika-31 ng Disyembre para mag-audition.

Puwedeng umarte, kumanta, sumayaw, magpatawa, o magpaganda at magpapogi lang—basta artistahin! Magsisimula ang registration, 10:00 ng umaga.

Huwag kalimutang pumorma at magdala ng anumang valid ID. May tsansa ring maging parte ang mga mag-a-audition sa main event ng mismong New Year countdown na magsisimula, 10 pm..

Ang grand artista search ay isa lamang sa mga pasabog na hatid ng TV5 at ng QC Government sa pinakamalaki at pinaka-engrandeng New Year countdown sa bansa.

May live band shows, street performances at LGBT parade rin na gaganapin kasabay ng auditions. Mayroon pang mga palaro at mga sari-saring papremyong ipapamigay.

Pagsapit ng gabi, isang star-studded New Year special concert ang iho-host nina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Alice Dixson, at Derek Ramsay, na may live performances mula sa mga pinakasikat na Kapatid talents at iba pang special guests. Ilan lamang sa mga kompirmadong artista sina Wendell Ramos, Empoy, Tuesday Vargas, Alwyn Uytingco, Martin Escudero, Katrina “Suklay Diva” Velarde, Tom Taus, Akihiro Blanco, Chris Leonardo, Alberto Bruno, Marvelous Alejo, Chadleen, Talentadong Pinoy 2014 Ultimate Talentado Neil at iba pang Hall of Famers, Philippine All Stars, Ritz Azul, Mark Neumann, Isabelle De Leon, Carl Guevarra, Gab Valenciano, Jasmine Curtis-Smith, at si Ms. Kuh Ledesma.

‘Di dapat palampasin ang pinakamahaba at pinakabonggang New Year pyro-musical display at 3D mapping show sa mismong pylon sa gitna ng Quezon Memorial Circle.

Ang Happy sa 2015: The Philippine New Year Countdown ay ipalalabas rin ng live at exclusive sa TV5 simula 10:30 p-.m..

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …