Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda, nanguna sa MMFF 2014

00 fact sheet reggeePAREHONG sold out ang ilang screening ng Praybeyt Benjamin sa dalawang sinehan sa Gateway Cinemas noong Disyembre 25 at base rin sa nakuna naming figures umaabot sa sa Metro Manila tickets sold- P22,129.693.15; Provincial tickets sold – P31,235,804.95 kaya ang sumatotal ay P53,365,498.10 na ipinalabas sa 129 sinehan.

Nasa pangalawang puwesto naman ang Feng Shui nina Kris Aquino at Coco Martin na palabas sa dalawang sinehan sa Gateway at sold out din ang ilang screenings na abot na hanggang gabi pati na ang GPC o Globe Platinum na ang halaga ng ticket ay P350 na may libreng popcorn at softdrinks.

Nakakuha kami ng figures ng Feng Shui sa Metro Manila tickets sold ay P14,056,878.80 at sa Provincial tickets sold ay P17,378,892.50 sa total na P31,435,771.30 na ipinalabas sa 107 sinehan.

Hindi man number one ang Feng Shui nina Kris at Coco ay ito naman daw ang highest opening day gross ng Filipino horror film.

122714 vice

Aliw ang narinig naming feedback kay Kris, “pang-horror talaga si Kris, hindi siya kinakagat sa drama at comedy.”

Sabi ni Kris tungkol sa mga pelikula nila ni Bimby, “super GOOD si God. Vice & Bimb beat our record from last year & highest grossing opening day of any horror film ang ‘FS’. Nakaka-PROUD na nagbunga lahat ng pinaghirapan. And as Noy’s sister, nakakataba ng puso na may pera ang Pinoy para manood! Between ‘PB’ (Praybeyt Benjamin) and ‘FS’ (Feng Shui), practically half a million tickets sold on Dec 25.”

Samantala, nasa ikatlong puwesto naman ang My Big Bossing ni Vic Sotto na nagtala ng P30-M at isang milyon at kalahati lang ang lamang sa Feng Shui kaya pala nabanggit ni MMDA Chairman Francis Tolentino na neck-to-neck ang dalawang pelikula para sa ikalawang puwesto.

Pang-apat na puwesto naman ang Kubot: Aswang Chronicles ni Dingdong Dantes (P26.8-M), pang-lima ang Shake, Rattle and Roll (P26-M), pang-anim ang English Only Please nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay (P19-M), pampito ang Bonifacio ni Robin Padilla (P11-M). Pangwalo naman ang Magnum 357 ni Gov. ER Ejercito.

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …