Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fashion forecast ng GRR TNT para sa 2015

110814 grr

ILANG araw na lang at ipagdiriwang na natin ang Bagong Taon na kung tawagin sa Chinese calendar ay Year of the Goat o Kambing.

Abangan ngayong Sabado sa programa ng GMA News TV na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) na prodyus ng ScriptoVision, 9:00-10:00 a.m. ang pagbibigay ng prediksiyon tungkol sa mga mauusong damit, ayos ng buhok at make-up sa papasok na taon.

May bisita rin si Mader Ricky Reyes na mga psychic at Feng Shui expert na magbibigay ng kani-kanilang hula kung masuwerte o malas ba sa ’yo ang Kambing. Kung ‘di kagandahan ang hula’y may mga panlaban o pananggang ipapayo ang mga may “third eye” na panauhin.

At kaugalian nang may masagana at masasarap na pagkaing inihahain sa mesa na pinagsasaluhan sa Media Noche (Disyembre 31) ‘di lang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo. Alamin kung ano ang masuwerteng handa para sa ating mga kapatid sa ibang bansa. Mas maraming handa mas masagana at masaya ang New Year!

Wig na Kaibig-ibig ang ireregalo ni Mader Ricky sa isang sumulat na tagahanga. Bagong Taon, bagong tao ang pakiramdaman ng GRR TNT letter-sender.

At ito ang mensahe ni Mader RR, “Maraming ‘di sinuwerte sa 2014 pero ‘di sila dapat malungkot. Sa paghihiwalay ng taon ay dapat silang magpasalamat kay Lord dahil sa mga biyaya at magdasal na mas maging masaya at masagana ang 2015.”

Happy New Year!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …