Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Customs and traditions ng mga Muslim, tampok sa Magnum 357

00 SHOWBIZ ms mNAGKAROON kami ng pagkakataong mapanood ng advance ang Magnum 357 ni dating Gov. ER Ejercito sa SM Manila noong Martes ng gabi. Kung ating matatandaan, unang ginawa ito ni Fernando Poe Jr., noong 1986.

Ayon kay ER, ipinagpaalam niya ang pag-remake ng Magnum 357 kay Atty. Espiridion Laxa. “Ipinaalam ko sa kanya bago siya namatay na gagawin ko ang pelikula. Title lang naman ang hiniram ko at saka ‘yung pangalan ng bida. Pumayag naman siya agad.

“Noong panahon ni Ninong Ron (FPJ), maganda ‘yon. Ngayon, iba na ang panahon, mas high-tech na, naka-laptop na ako rito, may mga tracker, may tracking device, ang mga baril natin dito high-tech na rin,” ani ER sa isang interbyu.

Bago sinimulan ang palabas, ipinagmalaki ni ER ang pagpapakita sa customs and traditions ng mga Muslim at ang Filipino martial arts ng mga Tausug na tinatawag na kuntao. Ipinagmalaki rin niya na pinayagan silang makapag-shoot sa mosque sa Quiapo.

122714 er magnum

Isang undercover agent na Tausug ang ginagampanan ni ER, si Lt. Jamal Rasul. Si Sam Pinto naman ang kanyang kaparehabilang si Princess Amira na taga-Maranao at isang guro.

Ayon sa dating gobernador, tribute niya ang pag-remake sa pelikulang it okay FPJ.

“Sa mga kabataan ngayon, marami ang hindi nakapanood ng Magnum 357 noon ni Ninong Ron. Kaya itong version ko ay tribute para kay Fernando Poe Jr, bilang hari ng pelikulang Filipino at ninong ko sa kasal at tribute ko rin sa Muslim community ng bansang Pilipinas specifically sa Maranao at Tausug.”

Kasama rin sa Magnum 357 ang anak ni ER na si Jericho Ejercito na pinalakpakan ang mga stunt na ginawa sa movie. Narito rin sina Roi Vinzon at Baron Geisler at may special participation ang broadcaster na si Rey Langit na part din ng unang Magnum 357. Idinirehe naman ito ni Francis Jun Posadas at ini-release ng Viva Films.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …