Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara, tumanggap na ng mother role A mother’s love!

ni Pilar Mateo

122714 ara mina

Anak na handang gawin ang lahat para sa kanyang ina ang karakter na gagampanan ng Bagito star na si Nash Aguas sa family drama episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado (Disyembre 27).

Mula pagkabata ay naging pangarap na ni Christian (Nash) na pasayahin ang kanyang nanay na si Liezel (gagampanan ni Ara Mina) na labis na nalugmok sa kalungkutan matapos iwan ng asawa. Nagsumikap si Christian na maging mahusay na mag-aaral at kalauna’y naging miyembro pa ng isang orchestra—isang karangalang inakala ni Christian na lubusang makapagbabalik ng mga ngiti ng kanyang ina.

Anong uri ng kalungkutan ang bumabalot sa isang tao para kitilin ang sariling buhay? Paano kinakayang maging malakas ng isang anak para sa isang ina na suko na sa mga pagsubok ng buhay?

Mapapanood din sa MMK ngayong Sabado sina Deydey Amansec, Archie Alemanya, Eva Darren, Casey de Silva, Jeffrey Hidalgo, Elaine Quemuel, at Jessette Prospero. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Nuel C. Naval at panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio.

Mukhang this will be Ara’s best performance sa pagiging nanay. Hindi kaya magsunod-sunod na siya sa challenging role ng isang ina bilang kakasilang lang niya ng first-born nila ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na si Amanda Gabrielle?

Ang ganda namang nanay nito sa mga bagong henerasyon ng Star Magic artists. Nasimulan na ni Nash!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …