ni Ronnie Carrasco III
HALATANG no choice ang isang aktor na mag-Tagalog sa isang TV interview even if he speaks good English.
Sinasabayan lang niya kasi ang nobyang aktres who—as everybody knows—ay banong magsalita ng wikang Ingles. No wonder, the actor’s girlfriend keeps no circle of Inglisera friends dahil paano nga naman kasi siya makare-relate sa pinag-uusapan?
Anyway, napaghalata kasing sinadya na lang idaan ng aktor sa pananagalog ang sagot sa tanong when interviewed at a recent event that he and his dyowa attended. ‘Ika nga, marunong lang talagang lumebel ang aktor sa kanyang nobyang wa sa pagka-talk ng English!