Friday , December 27 2024

NAIA Terminals walang special lane para sa PWDs and Senior Citizens

122214 NAIA long linesMAPUROL ba talaga ang batas sa bansa natin lalo na kung ito ay para sa mga kababayan natin na nangangailangan ng proteksiyon gaya ng mga senior citizen at people with disabilities (PWDs)?!

Naitatanong po natin ito dahil sa nakita nating kahabag-habag na kalagayan ng mga senior citizen at PWDs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Wala po kasing special lane o courtesy lane para sa mga senior citizen at PWDs ‘e ‘di lalo na para sa mga buntis.

Nakikita natin kung gaano kahirap ang dinadanas ng mga senior citizens sa haba ng pila sa mga airline counter.

Sa kabila na ang bansa natin ay mayroong ipinaiiral na mga batas gaya ng Republic Act No. 9994

(An act granting additional benefits and privileges to senior citizens, further amending Republic Act no. 7432, as amended, otherwise known as — An act to maximize the contribution of senior citizens to nation building, grant benefits and special privileges and for other purposes) para sa senior citizens at Republic Act 10070 (A law establishing the institutional mechanism to ensure the implementation of programs and services for persons with disabilities (PWDs) in every province, city and municipality, as envisioned by RA 7277 or the Magna Carta for Disabled Persons) para naman sa PWDs, ‘e hindi natin makita sa lahat ng NAIA terminal na ipinatutupad ito kahit man lang sa pagkakaroon ng special lane sa mga senior citizen, PWDs at isama na ba ang mga buntis.

Malaki ang pangangailangan ng special lane para sa kanila sa NAIA lalo na sa mga airline check-in counter.

Sabi nga ng isang mambabatas noon, ang mga batas na tinukoy natin sa itaas masyadong ‘vague’ o maligoy dahil hindi man lang tinukoy dito kung ano-ano ang mga espesyal na pribilehiyo ng mga senior citizen at PWDs.

Kaya lalong hindi malinaw kung ano ang kaparusahan sa mga establisyementong lalabag sa nasabing batas. Kumbaga walang deterrent, lumabag man ang isang estbalisyemento dahil hindi naman nakalagay doon na pwedeng tanggalan ng lisensiya, sa propesyon man o sa negosyo, kapag nilabag ito.

Kaya naman tinatawag natin ang pansin ng butihing Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Jose Angel “Bodet” Honrado na siya mismo ang manguna sa paglalagay ng special lane para sa senior citizens, PWDs at isama na po ang buntis sa mga Airline at Immigration counter.

Naniniwala tayo na kapag nagawa ni GM Honrado ang bagay na ‘yan ‘e hindi na malilimutan ‘yan at magiging legacy pa niya ‘yan sa NAIA.

And eventually … isa rin siya sa mga makikinabang n’yan.

Puwede n’yo na pong simulan ‘yan, ‘di ba GM Bodet Honrado?!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *