ISANG maligayang kaarawan ang gusto natin ipaabot kay Mayor Alfredo Lim sa kanyang pagdiriwang ngayong araw …
Pero higit sa lahat nais natin ipaabot kay Mayor Lim na maraming Manileño ang miss na miss na ang tunay na serbisyo publiko na naranasan nila sa alkalde ng Maynila.
Ibang-iba raw sa mga nakaupo ngayon na kahit kailan ay hindi nila mami-miss dahil wala naman daw ginagawang mabuting paglilingkod para sa mamamayan.
May kotong na sa iba’t ibang tanggapan, may kotong pa hanggang kalye at mga eskinita.
Sonabagan!
Walang nakami-miss sa kanila kasi hindi naman sila ang nagpatayo ng anim na hospital at ng dalawang evacuation center. Kapag may kalamidad, madaling araw pa lang nasa kalsada na si Mayor Lim at umiikot at inaalam ang kalagayan ng constituents nya.
Si Mayor, ultimo eskinita at maliliit na kalyehon ay ipinagawa niya lalo na ‘yung mga madalas bahain.
Kaya huwag kayong magtaka kung bakit miss na miss na ng mga Manileño si Mayor Lim.
Anyway, para roon sa mga nakaupo… magpakitang-gilas naman kayo nang ma-miss naman kayo ng mga Manileño!
Pwede ba!?