Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte kailangan na rin ng bayan

00 BANAT alvinNapapanahon na para pagbigyan ni Davao City Mayor Rudy Duterte ang panawagan ng sambayanan na paglingkuran niya ang buong bansa.

Ito kasi ang hamon ng kasalukuyang panahon dahil kilala ang mayor ng Davao City sa pagiging astig lalo na sa usapin ng peace and order.

Kaliwat kanan ang gulo sa bansa kaya’t hindi mamamatay-matay ang paghiling kay Duterte na sumabak na rin sa eleksyong nasyonal.

Hindi nababagay sa Senado ang isang Rudy Duterte bagkus kailangan siya ng bayan sa mas mataas na posisyon na siyang tututok sa kri-minalidad sa bansa.

Araw-araw na ginawa ng Diyos ay hindi nawawala ang kaguluhan at mukhang lalo itong lumalala dahil wala nang kinatatakutan ang mamamayan.

Tapos na rin siguro ang tungkulin n’ya sa kanyang lungsod kaya’t napapanahon na rin si-gurong tugunan niya ang panawagan ng buong estado.

Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa matinong peace and order at dito tamang-tama ang katauhan ni Duterte na kilalang kalaban ng mga kriminal.

Napa-unlad na niya ang Davao dahil sa kanyang kakaibang estilo sa pakikibaka sa krimen kaya’t ito na ang inaantay ngayon ng buong sambayanan dahil talaga namang palala na ng palala ang kaguluhan sa bansa.

Patayan, nakawan, holdapan at droga ang solusyon ngayon ng bansa kaya’t napapanahon ang panawagan na lumahok na si Punisher sa labanan.

Ibang taktika na ang dapat subukan ng ba-yan sa krimen at dito angat sa labanan si Duterte.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …