Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Ahas na humabol pinagtatataga

Gud pm,

Ask lang po nanaginip ako ng ahas hinabol ako pero pinatay ko ito hinati sa marami ano pong ibig sbhin?? minsan n akong nanaginip ng ahas kinagat ako may nanira sken gnto rin n nmn kya ito !? Tnx po (09235292777)

To 09235292777,

Ang ahas sa panaginip ay may kaugnayan sa mga nakatagong takot at pag-aalala na nagkakaroon sa iyo ng malaking epekto. Maaaring ito ay babala na may padating na bagay na hindi mo pa alam dahil hindi pa ito lumulutang, subalit mayroon itong malaking koneksiyon sa iyo, kaya dapat kang mag-ingat sa sarili o sa pinansiyal na bagay. Alternatively, ang ahas ay maaari rin namang simbolo ng temptation, at ng dangerous at forbidden sexuality. Kung natakot ka sa napanaginipang ahas, ito ay maaaring nagsasaad ng pangamba mo ukol sa sex, intimacy o commitment. Maaari rin namang ang ahas sa iyong panaginip ay may kinalaman o may kaugnayan sa mga tao sa paligid mo na hindi mo pa lubos na kilala at hindi dapat pagkatiwalaan. Sa positibong persepsiyon, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, knowledge at wisdom. Ito rin ay nagsasaad ng self-renewal at positive changes.

Posibleng maranasanan ulit na may manira sa iyo bunga ng inggit, kaya maging maingat at kilatising mabuti ang mga taong nakakaharap mo.

Ukol naman sa bungang-tulog mo na ikaw ay hinahabol, posibleng nagpapakita ito na ikaw ay umiiwas sa sitwasyon na sa palagay mo ay hindi mo magagawa o wala kang mapapala. Kadalasan din na ito ay isang uri ng metaphor na nagsasaad ng iyong insecurity. Ang pagtakbo mo ay nagsasaad ng pag-iwas mo sa ilang isyu, hindi mo tinatanggap ang anumang responsibilidad sa mga bagay na nagawa mo. Ito ay may kaugnayan din sa hindi mo pagharap sa mga bagay na kinatatakutan. May pagkakataon na nakadarama ka ng kawalan ng pag-asa. Gawin mong produktibo ang iyong buhay, ang mga negatibong bagay sa iyo ay baligtarin at gawing positibo. Magkaroon ka ng tiwala sa sarili at mag-focus sa mga mithiin sa buhay.

Kapag nanaginip naman na mayroon kang pinatay, nagpapakita ito na tinatapos mo na ang old habit at ang iyong dating paraan ng pag-iisip. Maaari rin namang nagsasaad ito ng katapusan ng addiction sa isang bagay o isang gawa. Alternatively, maaari rin namang mayroon kang repressed aggression o rage sa iyong sarili o sa ibang tao. Dapat ding tandaan na ang ganitong mga klase ng panaginip ay kadalasang nagaganap sa panahon ng depresyon.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …