Thursday , December 26 2024

Media hindi raw ma-penetrate ng kampo ni VP Jojo Binay?

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG si Vice President Jejomar Binay mismo ang bumubungkal ng kanyang sariling hukay.

Sa kanyang pagdalo sa isang kasalan sa Fontana Leisure Park, sinabi ni VP Binay na mayroon daw ‘ongoing well-funded smear campaign’ laban sa kanya.

‘Yan daw ang dahilan kung bakit ‘binibili’ ng media ang mga kasinungalingang ikinukulapol sa kanya ng kanyang mga kaaway.

Inilarawan pa niyang kung Intensity 4 umano ang pinakamalakas na tirada sa smear campaign ang ipinukol umano sa kanya ay Intensity 5.

Lahat daw ng kanyang paliwanag ay hinaharang, ni hindi raw nila ma-neutralize ang mga negatibong ulat. Tahasang sinabi rin ni Binay na mayroong radio broadcasters na tumatanggap ng malaking halaga para banatan siya.

Nakalulungkot naman ‘yang mga akusasyon ni VP Binay.

‘E kung ganyan ang estado ng media sa ating bansa, palagay natin ‘e huwag na niyang pangarapin na maging Pangulo ng bansa.

Napakahina naman ng iyong media relations officer at ‘yung mga nagpapakilala na operator n’yo raw kung hindi sila maka-penetrate sa media. Knowing their skills and knowledge at pagiging beterano sa media operations ‘e parang hindi naman tayo makapaniwala na hindi ninyo ma-penetrate ang media.

‘E di ba maraming media group ang paboritong mag-courtesy call sa inyo?

Pero kung gusto mo talagang pagkaguluhan ka ng media VP Binay, pinamaigi siguro ‘e harapin mo ang imbestigasyon sa Senado.

Pwede pa kaya?!

Pwedeng totoo na ‘battle of perception’ lang ang survey-survey na ‘yan … at ‘yun na mismo ang paliwanag do’n ‘di ba?

Honestly, nakapanghihinayang din ang career ninyo VP Binay kaya lang mukhang may sablay talaga.

At ‘yun ang dapat ninyong arestohin…

Kapag nagawa ninyong ipaling sa 90 degrees (huwag nang 180 degrees) ang atensiyon ng media, d’yan lang natin masasabi na nagtrabaho na ang MRO ninyo.

Ano sa palagay ninyo Mr. Joey Salgado?!

BI-Davao natakasan ng isang US fugitive!

SINO ang dapat managot sa pagtakas ng isang US fugitive sa kanyang detention cell sa Davao immigration?

Si Douglas Brent Jackson na isang pugante at nakahanda na sanang i-deport pabalik sa Estados Unidos ay nabalitang nakatakas matapos lagariin ang rehas ng kanyang selda.

Dali-daling iniutos ni Commissioner Fred Mison na hanapin ang nasabing pugante para maibalik sa pagkakakulong. Mantakin n’yo huli na, nakatakas pa!?

What the fact!?

Sino ba ang dapat managot dito?

Ang gwardiya (civil security unit) ng Bureau of Immigration (BI) ba o sabit din ang BI Alien Control Officer dahil na rin sa sinasabing command responsibility?

Mukhang nagkakasunod-sunod na naman ang masamang balita sa BI.

BI spokesperson Atty. Elaine Tan, wala ka yatang press release sa isyung ito? News blackout ba?

Siguradong tataas na naman ang presyon ni Madam SOJ Leila Delima kapag nakarating sa kanya ang ganitong klaseng balita!

Tsk tsk tsk!

Vices sa Lipa City (Attn: Mayor Meynard Sabili)

BALEWALA ba sa lungsod ng Lipa City sa Batangas ang ‘One Strike Policy’ ni SILG Sec. Mar Roxas?

Sa Purok 7, na sakop ng Barangay Latag sa Lipa City ay lantaran ang pasugal na color games, beto-beto, dice, baklay, kalaskas at pula’t puti sa peryahan na ang kapitalista ay isang alias GLENDA. Si Glenda ang isa raw sa itinuturing na Reyna ng mga perya-galan sa buong lalawigan ng Region 4-A.

Timbrado na pala sa lahat!?

Perya-sugalan sa Sto. Tomas Batangas

Sa Sto. Tomas, Batangas naman dalawang puwesto ng perya-sugalan ang nakalatag na rin sa nasabing bayan. Ang notorious na operator ay si Aling Baby na kilalang-kilala at very friendly sa PNP Batangas.

Bakit kaya!?

Sugal-lupa sa Tanay Rizal (Paging: Mayor Rafael Tanjuatco)

Sa bayan ng Tanay, Rizal, anim na mesa ng daya color games at dalawang mesa ng dropballs ang ipinalatag nina Elvira at Dodie. Umaga, tanghali, hapon, gabi ang sugalan. Hanep!!!

Laguna-Rizal-PNP dedma sa mga pergalan!?

SA Villa de Calamba, malapit sa city hall ng Calamba City, isang alias AKLAN ang nagpalatag ng mga perya de sugalan sa nasabing lugar. Ang kay MELY, alias “TAGO” sa Los Banos, Laguna, nakalatag ang pergalan malapit sa riles ng train.

Mandaluyong TPMO tumatara ng p20 bawat jeepney (Attn: Mayor Benhur Abalos)

MAGANDANG umaga po mer0n lang po kaming idudulog sa inyo na problema sa mga TPMO ng Mandaluy0ng. Kasi po ay naaawa na po kami sa mga jeep po kc araw2x na lang po cla kinukuhaan ng 20 kung tawagin po ay kotong e nakakaawa naman po. Kung gusto n’yo po malaman lahat puntahan n’yo na lang po ako sa may Sheridan St? Ako po pala c De Leon. +6399818 – – – –

Sobrang project at requirements ng Sta. Quiteria Elem. School inirereklamo

GOOD morning po Sir Jerry pkibulabog lng po ang pamunuan ng STA QUITERIA ELEM. SCHOOL. Sobrang dami ng project n pinapagawa s mga estudyante nla mula s electric fan hangang s kortina ng mga classroom. pasanin n po ng mga estudyante nila. Pahirap n po pati s mga magulang. ‘Wag n’yo na lang po ilabas ang number qo. +639278 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *