Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nasa tamang daan si Roxas

00 BANAT alvinKakaibang diskarte ang pinaiiral ngayon ni Mar Roxas ang pinuno ng DILG.

Tahimik pero busog sa aksyon at pagtulong ang ginagawa ngayon ng asawa ni Korina Sanchez maging ito man ay sa panahon ng kalamidad o sa pagpapatakbo ng kanyang departamento.

Kitang-kita rin kung gaano ka-supportive rito si PNoy dahil ipinauubaya na niyang halos lahat ng pagmamando kay Roxas, na alam naman ng lahat na mamanukin ng anak ni Tita Cory sa 2016 presidential derby.

Malinaw din na tagumpay ang taktikang ginagawa ngayon ni Roxas dahil kahit mabagal ang kanyang usod sa rating ay mukhang si-guradohan naman at patungo sa tama.

Sa madaling salita, slowly but surely ang ginagawa ngayon ni Mar at iyan ang dapat dahil gibang-giba na naman ang kasalukuyang nasa itaas na si Vice President Jojo Binay.

Para sa kaalaman ng lahat, naging matagum-pay ang pagsasanib-pwersa nina Senador Alan Cayetano, Antonio Trillanes at ilang malapit kay Roxas na miyembro ng Liberal Party para gibain si Nognog.

Sa ngayon ay mukhang kahit hindi gibain si Binay ay mukhang hindi na makababangon dahil sa sangkatutak na negatibong impresyon ng publiko.

Maihahalintulad tuloy sa ngayon ang nangyari kay Binay kay dating senador Manny Villar, na biktima rin ng pagdurog noong 2010 election.

Bukod sa pagkamatay kasi ni Cory noon na siyang dahilan ng pagbango ni PNoy ay dinurog nang husto ni Ping Lacson si Villar, na naging dahilan para maging negatibo rin ang dating sa publiko.

Ang mahirap lang sa kinasadlakan ni Binay sa ngayon ay triple ang upak na inabot kompara kay Villar kaya’t imposible pang makasulong.

Iyan ang mga leksyon ng politika na dapat nating pakantandaan dahil ang larong ito ay labanan ng mga tuso at walang budhi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …