Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marvelous Alejo, nahahasa ang talento sa Tropa Mo Ko Unli

SI Marvelous Alejo ay produkto ng Artista Academy search ng Kapatid Network noong 2012.

Nakagawa na siya ng tatlong indie films tulad ng Mangkukulob at Time In A Bottle na kapwa pinamahalaan ni Direk Ron Sapinoso. Siya rin ang tampok na bituin sa pelikula ni katotong Direk Ronald Rafer na pinamagatang Mga Pangarap Sa Kapirasong Papel.

Sa ngayon, si Marvs (nickname niya) ay kasali sa cast ng gag-show na Tropa mo Ko Unli ng TV5 at ayon sa 18 year old na dalaga ay nag-e-enoy siya rito.

“Super-enjoy po ako mag-comedy, super close po kami ni Ritz Azul na para po kaming magkapatid na. Si Kuya Alwyn Uytingco din po, plus, lahat naman po sa show. Si Kuya Ogie (Alcasid) napakabait po pati si Ate Gelli (de Belen) din po. Na-tututo po ako sa kanila lalo na kay Empoy, pati po sa mga bago naming kasama na sina Kuya Joey Paras, Tita Sweet (John Lapuz), at iba pa po.

“Kaya nagpapasalamat ako sa pagkakasali ko sa Tropa Mo Ko Unli. Dream ko po kasi talagang matuto pa sa acting at ma-recognize sa pagganap ng mga challenging roles,” saad pa ni Marvs.

 

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …