Friday , November 15 2024

Bulok ba ang pagkatao ni Brgy. Chairwoman?

00 rex target logoNAPAKATAAS ng pagrespeto natin sa isang barangay chairwoman ng Maynila. Nasa pedestal pa nga ang paghangang ipinupukol natin para sa kanya.

Pero noon po‘yun!

Nagbago ang lahat nang lumutang na ang tunay na kulay nichairwoman.

Ang akala kasi natin noon ay tunay ang kanyang ipinakikitang ugali sa lahat.

Ang akala natin noo’y dalisay ang kanyang pagmamalasakit sa kapwa at sa kanyang constituents. Ang akala natin ay tapat siya at tunay na kaibigan.

Ang akala kasi natin ay tunay siyang makabayan!

Bilid din tayo sa kanyang tapang at taglay na prinsipyo. Ngunit lahat pala ay balot lamang ng pagbabalatkayo.

Basura at bulok pala ang kanyang tunay na pagkatao.

Nakasandig lamang sa kung saan ka puwedeng makinabang.

Sa wikang Ingles,USER!

Sa Tagalog, mangagagamit at oportunista.

Itong si chairwoman na halos himurin na ang ‘puwet’ ni former Manila Mayor Fred Lim sa kapupuri ay masasabing tunay na epitome ng isang doble karang nilalang. Hunyango na agad nakapagpapalit ng kulay sa oras ng tawag ng pangangailangan.

Ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan bilang punong-barangay pati na rin ang resources at manpower ng komunidad na kanyang pinamumunuan upang kumita at magkamal ng salapi!?

Pati ang kanyang mga tanod ay hinubog daw na maging tulisan at mangongotong.

Sa halip na maging pangunahing responsibilidad ng kanyang mga tanod ang pangangasiwaan ang katahimikan at kaayusan sa kanilang barangay, kabaligtaran ang naging mandato ni chairwoman.

Nagsisilbing kolektor ng butaw sa nasabing illegal na terminal ang mga tanod. Ang mga ayaw magbigay ng ‘tong’ o lagay ay hina-harass at tinatakot.

Mga drivers ng bus, FX at UV Express.

Ayon sa source natin  may tumatanggap ng  tumataginting  na P1-M kada linggo mula sa mga operators ng bus at UV Express na tumatarima sa kanyang illegal terminal.

Ayon sa maligayang chairwoman, malaking bahagi ng naturang payola ay ibinabahagi raw niya sa mga diyos-diyosan diyan sa Manila City Hall at sa mga corrupt na pulis.

Five hundred pesos (P500) ang butaw para sa mga bus na biyaheng south, samantala siyento bente (P120) ang butaw sa kada 1st trip ng mga UV Express at Express na nakapila sa nasabing illegal terminal.

Sixty pesos (P60) ang butaw sa mga susunod na pagbiyahe. Suma total, umaabot ng trenta mil (P30,000) ang daily collection.

Hanggang kailan kaya tatagal ang tinatamasang MALIGAYANG PASKO  ng doble karang chairwoman?

Sanay na sanay sa (69) baligtaran?!

Tsk tsk tsk!

May kasunod…ABANGAN!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *