Saturday , November 23 2024

Sana laging ganito… nagkakaisa ang lahat

00 aksyon almarBAGYONG Ruby, lahat ay kanyang pinangamba lalo na’t bansag dito ng US base sa kanilang pagbasa ay isa itong Super Typhoon pero higit na mas malakas ang dumaang bagyong Yolanda noong nakaraang taon.

Hindi biro ang sinalanta ng Yolanda kaya, halos buong mundo ang kumilos sa pagtulong sa mga nasalanta nating mga kababayan sa Samar, Leyte at karatig pang lalawigan.

Ang masaklap, hanggang ngayon ay hindi pa rin malaman kung saan napunta ang karamihan sa tulong mula sa iba’t ibang bansa para sa mga biktima. Hanggang ngayon ay marami pa rin sa mga nasalanta ang nakatira sa evacuation center.

Heto nga, hindi pa nakababangon ang mga nasalanta at hindi pa rin makapagbigay-linaw ang gobyerno sa mga kinukuwestiyong pondo para sa mga biktima, bumayo na naman sa bansa si bagyong Ruby.

Hindi lang isang lalawigan ang sinalanta ni Rudy kundi halos buong singkuwenta porsiyento ng bansa at habang isinusulat ito ay patuloy pang bumabayo si Ruby patungong Mindoro at Metro Manila.

Pero ano pa man, sa kabila ng pagsalanta ni Yolanda noon, masasabing mabuti naman at naka-Yolanda noon kundi…

Oo, kundi ay kawawa ang mga sinalanta ngayon ni Ruby.

Dahil kay Yolanda, talagang pinaghandaan ng gobyerno – nasyonal at lokal ang pagsalubong kay Ruby.

Nakita naman siguro mga kababayan kung paano kumilos ngayon ang gobyerno natin. Puwersahang paglikas ang ginawa sa mga kababayan natin na tinatayang masasalanta. Lahat ay kumilos.

Nakatutuwa rin ang kooperasyon ng bawat inilikas. Nawala na iyong matitigas ang ulo. Lahat ay nagkaroon ng aral kay Yolanda.

Kaya mabuti na lamang at may Yolanda noong nakaraang taon kundi ay maraming patay na naman ngayon. Nakatutuwa nga na dahil sa kahandaan, hanggang ngayon ay walo pa lamang ang iniulat na namatay kung hindi nagkakamali sa balita.

Sana ay laging ganito ang mga Filipino, gobyerno hanggang sa mga tutulungan nila. Sana tuluyan na ring mawala ang matitigas ang ulong kababayan natin kapag sinabing lumikas ay lumikas.

Maraming salamat Lord.

At siyempre, infairness sa gobyerno natin, nasyonal at lokal, saludo po kami sa inyong ginawang preparasyon.

Oo, bigo ang gobyerno sa target nilang zero casualties pero iilan lang ito kaya masasabing tagumpay ang trabaho ng lahat.

Salamat po uli Panginoon.

Hay sana laging ganito…magkaisa ang lahat. Yes naging matagumpay ang pagsalubong kay Ruby dahil naisantabi muna ang politikahan. Kaya sana ang pagkakaisa ay panatilihin, may bagyo man o wala, isantabi ang mga nagbabatuhan ng putik na isa’t isa na mga lider kuno natin sa bansa.

Nakita naman natin ang resulta ng pagkakaisa ngayon ng bagyong Ruby, karamihan ay nakangiti hindi tulad ng Yolanda noon na hindi maipinta ang hitsura ng mga nawalan. Ang gobyerno naman ay nagtuturuan.

Magkaisa na nga sana ang lahat kundi mas mabuti pang lagi tayong pasukin ng bagyo para wala nang away sa politika. Pero ‘wag naman kaya, huwag na sanang hintayin pa ng mga lider natin na ulanin tayo ng bagyo para magkaisa.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *